Patapos man ang long weekend pero tuloy-tuloy pa rin ang saya sa best-of-the-best party mula sa inyong paboritong Kapamilya stars, tampok ang exchange hits tapatan ng naglalakihang OPM singers, kilig treats ng mga tinitiliang loveteam, at iba pa ngayong Linggo (Pebrero 27) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan ang exchange hits biritan nina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown." Pakatutukan muli ang best-of-the-best kilig surprises nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, pati nina KD Estrada at Alexa Ilacad kasama sina Janine Berdin at Diego Gutierrez.
Throwback muna tayo sa rock-and-roll performance ng inyong "ASAP Natin 'To" family, kasama sina Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Kyla, Nyoy Volante, Janella Salvador, AC Bonifacio, Enchong Dee, Jeremy G, Edward Barber, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Jameson Blake, Charlie Dizon, Karina Bautista, at Aljon Mendoza. Tampok din sa best-of-the-best party ngayong Linggo sina Janine Gutierrez, Joshua Garcia, Robi Domingo, at Martin Nievera.
Tunghayan muli ang mga mainit na dance showdown nina Chie Filomeno at Kim Chiu. Abangan din ang mga nagbabagang ASAP collab nina Gary V., Darren, at Kyle Echarri; Yeng Constantino kasama ang new breed of singers na sina Anji Salvacion, Angela Ken, Diego Gutierrez, at Sam Cruz; at senti kantahan ng Ben&Ben kasama si Moira dela Torre.
At tuloy-tuloy rin ang kantahan sa Pinoy classics tapatan ng New Gen Birit Divas nina Janine Berdin, Sheena Belarmino, Lara Maigue, at Elha Nympha; at ang world-class performance ng nag-iisang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.
Talagang kaabang-abang ang best-of-the-best kantahan at sayawan mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.