News Releases

English | Tagalog

Vhong at Ogie, naghatid ng saya at katatawanan sa umano gabi ng "It's Showtime's It's Sharetime" para sa mga biktima ng Odette

March 14, 2022 AT 06 : 07 PM

Pinangunahan nina Vhong Navarro at Ogie Alcasid ang pagbibigay aliw at katatawanan sa unang araw ng "It's Showtime's It's Sharetime" nitong Huwebes (Marso 10) sa pagpapatuloy ng isang daang araw na fund-raising drive ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

 

Samahan ang "It's Showtime" family sa sampung araw nilang fund-raising campaign at tangkilikin din tulad ng matagumpay na finale ng"Kapamilya Family Date Nights" noong Miyerkules (Marso 9) kung saan nakalikom ang mga bituin ng "MMK" at "Viral Scandal" ng halos P1.4 milyon para sa mga biktima ng Bagyong Odette, kasabay ng pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng "MMK."

 

Natulog ng nakangiti ang mga manonood noong Huwebes (Marso 10) dahil sa kwelang tandem nina Vhong at Ogie. Sa una nilang challenge na "Gaya Gaya G," rine-enact nila ang ilang scenes sa mga pelikulang "My Ex and Whys," "Paano Na Kaya," at "Paano Kita Iibigin" na may twist. Mas umingay pa ang comment section nang salitan silang nagtranslate ng kanta mula sa Ingles patungo sa Tagalog.

 

"Maraming Salamat sa oras na ibinigay niyo na makasama kami ni Kuya Ogie pati si Ate Reg. Dahil itong ginagawa namin ay hindi po para sa amin, ito po ay tulong namin para sa mga naapektuhan ng Bagyong Odette," sabi ni Vhong.

 

Hindi lang silang dalawa ang nagpasaya sa madlang pipol dahil sinamahan din sila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez na sumayaw ng "Boom Shakalaka" at kumanta kasama ng kanyang asawa.

 

Samantala, lubos naman na nagpasalamat ang host ng "MMK" na si Charo Santos sa ipinakitang kabutihang loob ng viewers at donors pati na rin sa oras at suporta na ibinigay ng iba't ibang artista sa pangunguna ng Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto,Pia Wurtzbach,Dimples Romana, Janine Gutierrez, Karina Bautista, at Aljon Mendoza,para makapagbigay ng home repair kits para sa mga biktima ng Bagyong Odette.

Sa mga susunod na gabi, mapapanood naman ng madlang pipol ang iba pang hosts ng "It's Showtime" na sina Kim Chiu, Amy Perez, Karylle, Ryan Bang, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ion Perez, at Jackie Gonzaga na hihikayat sa kanilang tumulong upang maibangon muli ng ating mga kababayan ang kanilang mga bahay at buhay. Makakasama rin nila ang hurados ng "TNT" na sina Yeng Constantino, Nyoy Volante, Jed Madela, at Louie Ocampo, Ruffa Gutierrez, at Janice de Belen, "TNT" champions at Polaris artists.

 

Noong Marso 9,umabot sa 207,029 na pamilya ang nabigyan ng food packs at 584 na pamilya ang nakatanggap ng home repair kits sa pamamagitan ng ABS-CBN Foundation kasama ang kanilang partners at donors. Nakalikom naman sila ng P98,470,000na cash donation at P16,400,000 worth ng in-kind donations tulad ng bigas, de lata, tubig, hygiene kits, at kumot.

 

Sa mga hindi naman nakakanood ng livestream ay pwede pa rin magdonate sa pamamagitan ngpag-avail ng Tulong Vouchers sa Lazada at Shopee na gagamitin din sa pagbibigay ng home repair kits sa mga biktima ng bagyo. Para sa iba pang impormasyon at paraan sa pag-donate, pumunta lang sa website ng ABS-CBN Foundation, saFacebook,Twitter, atInstagramaccounts nito. Ang kampanyang ito ay napapaloob ng DSWD Authority/Solicitation Permit ng ABS-CBN Foundation na DSWD-SB-SP-00026-21, valid nationwide hanggang Mayo 28,2022.

 

 

Para makakuha ng updates tungkol sa ABS-CBN, i-like o i-follow ang facebook.com/ABSCBNnetwork. Sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, o TikTok at bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.