Mas iinit ang inyong summer weekend dahil sa isa nanamang world-class concert experience tampok ang mga bigating performance mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Marso 20) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sanib-pwersa ang tatlo sa kinagigiliwang singers ngayon dahil magsasama-sama muli sa ASAP stage sina Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, at ang nag-iisang Papa P, Piolo Pascual.
Kiligin naman sa sorpresang hatid ng "Bola Bola" stars na sina Francine Diaz, KD Estrada, at Akira Morishita para sa nalalapit na premiere ng kanilang iWantTFC original series. Maki-rakrakan din sa birthday pasabog ng OPM rockstar na si Bamboo.
Damang-dama ang init sa summer hits performance nina Darren, Andrea Brillantes, Xyriel Manabat, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Karina Bautista, Krystal Brimner, Yeng Constantino, Nyoy Volante, iDolls, at ang buong "ASAP Natin 'To" family. Makiki-party rin ngayong Linggo sina Janine Gutierrez, Robi Domingo, at Donny Pangilinan.
Hindi naman pahuhuli sa hatawan sina AC Bonifacio, Kyle Echarri, Maris Racal, Chie Filomeno, Enchong Dee, at ASAP dance royalty Kim Chiu. Pakatutukan din ang bagong single performance ni Kiana V sa ASAP stage.
Maki-sing along sa New Gen Birit Duets nina Sheena Belarmino, Anthony Castillo, Lara Maigue, Reiven Umali, Janine Berdin, Sam Mangubat, Elha Nympha, at JM Yosures; at sa sessionistas kantahan nina Anji Salvacion, Alexa Ilacad, Angela Ken, Jeremy G, Diego Gutierrez, Benedix Ramos, at Jordan Andrews kasama ang acoustic icons na sina Nina, at Moira dela Torre.
At huwag palampasin ang alternative rock hits showdown nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Kyla, Erik Santos, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
Tuloy-tuloy ang summer sa nagbabagang concert experience ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.