Tuloy-tuloy ang summer party sa inihandang best-of-the-best kantahan at sayawan mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Marso 27) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Balikan muli ang ilan sa mga inabangang breakthrough performance sa ASAP stage, tulad ng nakakakilig na duet kantahan nina KD Estrada at Alexa Ilacad, at ang pangmalakasang pag-birit ni Gigi de Lana kasama ang GG Vibes Band.
Maki-rakrakan ulit sa Elvis Presley hits number nina Janine Gutierrez, Jeremy G, Sheena Belarmino, Janine Berdin, Jason Dy, at ng buong "ASAP Natin 'To" family.
Talagang mas iinit ang summer weekend sa best-of-the-best dance showdown nina Charlie Dizon, Krystal Brimner, Karina Bautista, Jameson Blake, Jin Macapagal, at ASAP dance royalty Kim Chiu, pati na ang solo hatawan treat ni Francine Diaz. Balikan din ang pagpapakilig ni Donny Pangilinan sa ASAP stage.
Paakatutukan ulit ang ilang mga inabangang ASAP performance, tulad ng pag-birit ni Angeline Quinto kasama ang mga bituin ng "The Broken Marriage Vow" na sina " Jodi Sta. Maria, Zanjoe Marudo, Sue Ramirez, Zaijian Jaranilla, Jane Oineza, Angeli Bayani, Bianca Manalo, Franco Laurel, Sandino Martin, Brent Manalo, at Migs Almendras; heartthrob collab nina Darren at Kyle Echarri; fearless comeback ni Jona; at ang Diana Ross medley nina Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, at Regine Velasquez.
At mamangha muli sa inspirational kantahan nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Regine Velasquez, KZ, Jona, Nyoy Volante, Jed Madela, Erik Santos, Yeng Constantino, Lara Maigue, Klarisse de Guzman, at Ogie Alcasid kasama ang young singers na sina Reiven Umali at Angela Ken.
Huwag palampasin ang best-of-the-best kantahan at sayawan mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.