PIE or Pinoy Interactive Entertainment offers Filipinos a digital upgrade to their traditional media consumption habits by allowing them to watch TV shows, join all-day contests, build following, and even steer the storyline of a teleserye across multiple screens including TV sets, laptops, desktops, and mobile devices.
Milyon-milyong kabahayan sa bansa ang maabot
Gagawa ng kasaysayan ang ABS-CBN kasama ang KROMA at 917Ventures ngayong Mayo sa paglulunsad ng PIE, ang kauna-unahang real-time at multi-screen interactive channel sa Pilipinas na babago sa panonood ng mga Pilipino.
Hatid ng PIE o Pinoy Interactive Entertainment ang tinatawag na “tradigital” viewing kung saan mai-enjoy ang all-day contests kung saan pwedeng manalo ng mga papremyo tulad ng pera at pagpapadami ng followers sa social media, at teleserye kung saan kayang baguhin ang takbo ng kwento gamit ang iba’t ibang device tulad ng TV, laptop, desktop, at mobile devices.
Sa PIE, hindi lang manonood ang viewers kundi magiging parte ng isang komunidad na may mahalagang partisipasyon sa mga palabas sa PIE.
Paliwanag ni KROMA Entertainment CEO Ian Monsod, likas sa Pilipino ang pakikisama at pakikisaya kasama ang mga kaibigan. Sa PIE, nais nilang punan ang kakulangan sa koneksyon dulot ng pandemya.
Abangan ang pagbabalik ng classic game show “Pera o Bayong” sa PIE, ang unang interactive teleserye sa Pilipinas na “UZI,” at ang reality show na “Palong Follow,” kung saan kailangang magtulungan ang viewers para makilala ang susunod na bigating content creators.
Mayroon din itong mga palabas na pwedeng salihan at ariin ng manonood tulad ng Ekstra Ordinaryo,” “Bida Body Part” at “Playlist Natin.”
Ayon kay Vince Yamat, Managing Director of 917Ventures, hangarin nilang maghatid ng mga bagong paraan upang mag-enjoy ang mga Pilipino at makatulong sa ibang tao lalo na at hindi pa tapos ang pandemya.
Para naman kay ABS-CBN Chief Operating Officer of Broadcast Cory Vidanes, bahagi ang PIE ng kanilang layuning magbigay ng bagong klaseng palabas at karanasan para sa Pilipino sa tulong ng mga katuwang na organisasyon.
Nagsimula na ang test broadcast ng PIE nitong Abril. Sa Mayo, pwede na itong mapanood ng 11 milyong tahanan na may digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Zamboanga, Naga, Baguio at karatig probinsya. Samantala, accessible din ito sa 85 milyong Pilipinong nasa digital. Para mahanap ang PIE, i-rescan ang digibox o bisitahin at i-follow ang PIE (@iamPIEofficial) sa social media.