News Releases

English | Tagalog

Balikan ang best-of-the-best treats nina Lovi, Piolo, at iba pa sa 'ASAP Natin 'To'

April 22, 2022 AT 08 : 10 PM

It's a best-of-the-best ASAP party you don't want to miss

Kasama ang all-star ASAP family

Aarangkada muli ang inabangan ninyong concert pasabog mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Abril 24) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Balikan ang ilan sa pinag-usapang ASAP performances, tulad ng bigating kantahan nina Piolo Pascual, Zsa Zsa Padilla, at Regine Velasquez; at ang nagbabagang solo act ni Lovi Poe.

Maki-disco muli sa retro hits performance nina Janine Gutierrez, Yeng Constantino, Nina, Lara Maigue, Nyoy Volante, Enchong Dee, Robi Domingo, Seth Fedelin, Edward Barber, Charlie Dizon, kasama ang buong "ASAP Natin 'To" family.

Muling pakatutukan ang mga trending jampacked kantahan at sayawan sa ASAP stage, kabilang ang solo act ng ASAP queen of the dancefloor na si Kim Chiu; next-level hatawan nina Francine Diaz, Krystal Brimner, at Karina Bautista; at ang tandem indakan nina Anji Salvacion at Alexa Ilacad.

Lalarga rin ang "Marupok" performance ni KZ kasama sina Jameson Blake at Jin Macapagal; hip-hop tapatan nina Kyle Echarri, Jeremy G, at Jason Dy; duo treat nina Klarisse de Guzman at Sheena Belarmino; pop heartthrob performance ni Darren, at ang pasabog na biritan mula kina Janine Berdin, Fana, at Gigi de Lana.

Balikan din ang collab nina Bamboo at Darren, pati na ang slow rock tapatan ng New Gen Birit idols na sina Reiven Umali, Janine Berdin, JM Yosures, at Elha Nympha.

At panooring muli ang engrandeng vocal showdown nina Gary Valenciano, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Klarisse de Guzman, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Ito ang best-of-the-best concert experience na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.