DonBelle fans, nagpa-billboard sa Indonesia, Japan, Thailand, Dubai, South Korea, New York, at Switzerland
Kinasasabikan na ng viewers ang mga susunod na pangyayari sa pangalawang season ng “He’s Into Her” matapos nitong tinalakay ang mga isyu tungkol sa pamilya, pag-ibig, at lipunan sa pilot episode nito sa iWantTFC.
Dahil sa mainit na pagtanggap ng viewers sa episode one, magiging available na ang bawat episode nito sa buong mundo kada Miyerkules sa iWantTFC simula bukas (Abril 27).
Ipinadama ng DonBelle fans ang kanilang suporta sa buong mundo pagkatapos nilang maglagay ng mga LED billboard sa iba’t ibang parte ng Pilipinas, Indonesia, Japan, Thailand, Dubai, South Korea, New York, at Switzerland.
Napanood sa unang episode ang mga nangyari isang linggo matapos maging magkasintahan sina Maxpein (Belle Mariano) at Deib (Donny Pangilinan). Bumungad sa manonood kung paano inilarawan nina Max at Deib ang pag-ibig. Sa kasalukuyan kasi ay patong-patong na problema ang pinagdadaanan ng dalawa sa kani-kanilang pamilya.
Hanggang ngayon ay nag-iisip ng paraan si Max para ayusin ang relasyon ng kanyang ama at stepmom. Dagdag sa iisipin pa niya ang pagtira ng kanyang lola at Tito Boyet (Janus del Prado) sa dati niyang kasintahan na si Randall (Jeremiah Lisbo). Samantala, si Deib ay hindi rin tumitigil sa paghahanap sa taong nasa likod ng aksidente ng kanyang kapatid. Natapos ang episode sa pagkatuklas ng ama ni Max sa relasyon nila ni Deib at pagtutol niya sa pag-iibigan ng dalawa.
Lubos naman na hinangaan ng netizens ang naturang pilot episode dahil sa paglalahad nito ng mga isyung napapanahon tulad ng pagpili ng lider ng bansa at mga problema na kinahaharap ng mga kabataan sa kanilang mental health, pamilya, at pag-ibig. Top trending nga ito sa Twitter Philippines noong Biyernes (Abril 22).
Saad ni @silverkaliii, “Ep1? I love how they address the current societal issues. Try to dig deeper and be attentive to their dialogues. Grabe aral. Thank you @bellemariano @donnypangilinan for this masterpiece. TAGSEN IS BACK #DonBelle #HesIntoHerS2EP1.”
“Ang lala ng #HesIntoHerSeason2 grabe ep 1 palang pero sobrang natutuwa ako na nagdiscuss agad about awareness on leaders, elections, trolls, fake news, credible sources, and more. super happy that they really include social issues in the series! it really is an AWAKENING,” tweet ni @donnycutieee_.
Komento ni @xandeechan, “It was nice also that they tackle mental health issues.”
Mapapanood din ng fans ang “Bearkada Hangout” kada Miyerkules, 8:30 PM sa iWantTFC Facebook at YouTube channel, kung saan nakikipag-kwentuhan ang ilang cast members tungkol sa serye.
Panoorin ang advance episodes ng “He’s Into Her Season 2” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com) kada Miyerkules, 8 PM. Available rin ito kada Linggo sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.