News Releases

English | Tagalog

Star Magic, paiinitin ang tag-init sa "Slay the Hot Summer"

April 30, 2022 AT 10 : 06 AM

Back-to-back summer treats ang handog ng Star Magic sa kanilang patuloy na pagdiriwang ng ika-30 taong nila anibersaryo sa paglaunch ng kanilang pinakabagong digital video magazine na "Slay" at travel reality show na "HOT Summer in Baler" sa "Slay the Hot Summer" event sa Resorts World Manila sa May 1 (Linggo).  

 

Isang kakaibang Alexa Ilacad ang matutunghayan bilang unang cover girl ng "Slay" na nagbibigay pahalaga sa women empowerment at body positivity. Ibahahagi ni Alexa sa digital video magazine ang kanyang karanasan sa shoot at kung paano ito nakatulong sa kanya bilang isang babae. "Ipinakita nito kung gaano ako ka-deserving mahalin at kung paano ko mahahalin yung sarili ko," saad ni Alexa sa teaser na inilabas ng Star Magic.  

 

Makakasama niya sa digital video magazine ang Ultimate Slaymate na si Thamara Alexandria, at iba pang Slaymates na sina Missy Quiño, Alyssa Exala, at Sharina Villena. Naka-una naman na ang ilang fans nina Alexa at slaymates sa advanced screening at meet and greet noong Biyernes (Abril 29) sa KTX.PH.  

 

Bukod sa "Slay," dapat din abangan ang pagsasama-sama ng ilang Star Magic artists na sina Maris Racal, Jane Oineza, Kira Balinger, Heaven Peralejo, Maureen Wrob, Zach Guerrero, Michelle Vito, Karina Bautista, Eian Rances, Brent Manalo,Elmo Magalona, at Andrea Brillantes pati na sina Esynr Ranollo, Alora Sasam, at Pepe Herrera sa pagpapamalas nila ng ganda ng Baler sa "Hot Summer in Baler." Mapapanood ang unang episode nito sa May 1 (Linggo) sa YouTube channels ng ABS-CBN Entertainment at Star Magic.  

 

Sundan ang @StarMagicPhils sa Facebook, Twitter, at Instagram at mag-subscribe sa Star Magic official YouTube channel para sa latest updates sa 30th anniversary celebration ng Star Magic.  

 

Subscribe sa Star Magic official YouTube channel para sa latest updates sa 30th-anniversary celebration ng Star Magic.