News Releases

English | Tagalog

Pinoy pride BINI, BGYO back-to-back ang performance sa 'ASAP Natin 'To'

May 13, 2022 AT 09 : 38 PM

Excitement adds up as the hottest P-Pop acts BINI and BGYO sizzle the ASAP stage with back-to-back world class Pinoy performances

Abangan ang matinding dance showdown nina AC at Andrea

Mas lalong iinit ang summer mo kasama ang mga bigating performances ng mga paborito mong Kapamilya celebrities, P-pop groups BGYO at BINI ngayong Linggo (May 15) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5. 

Tuloy-tuloy ang excitement sa ASAP stage kasama ang hottest P-Pop groups at Pinoy pride na BINI at BGYO sa kanilang back-to-back world-class performances. 

Sumayaw at umindak kasama ang heartthrobs na sina Enchong Dee, Kyle Echarri, Jeremy G, Jameson Blake, at Seth Fedelin. Kasama nilang pa-iinitin ang dance floor ang mga ASAP dance hotties na sina AC Bonifacio at Andrea Brillantes sa kanilang espesyal na K-Pop dance cover. 

Sabay-sabay nating balikan ang mga trending na Pinoy disco hits kasama sina Janine Gutirrez, Chie Filomeno, Charlie Dizon, Jayda, Jin Macapaga, Karina Bautista, Krystal Brimner, Edward Barber, Nyoy Volante, Jona, KD Estrada, Alexa Ilacad, at ang "ASAP Natin 'To" family, kasama rin sina Luis Manzano at Robi Domingo. 

Sumabay sa kantahan at biritan nina JM Yosures, Fana, Sam Mangubat, and Sheena Belarmino sa New Gen Birit Sing Off, pati na sa vocal showdown nina Zsa Zsa Padilla, Gigi de Lana, at Regine Velasquez. 

Tuloy-tuloy lang ang saya at maki-indak sa mga awitin ni Tina Turner kasama ang finest ASAP singers na sina KZ, Klarisse de Guzman, Jason Dy, Sam Mangubat, Frenchie Dy, at iDolls. Maki-party rin sa collab nina Darren at Jona. 

Abangan din ang soulful hits jamming ng ASAP resident sessionistas Anji Salvacion Angela Ken, Sam Cruz, Jordan Andrews, Jeremy G, at Diego Gutierrez kasama sina Juris at Nina. Huwag palampasin ang nakakaantig na kantahan sa "The Greatest Showdown" kasama ng mga ASAP icons na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Martin Nievera, Jed Madela, Erik Santos, at Regine Velasquez.   

Wag palampasin ang pinakamainit at pinakamasayang summer concert experience mula sa longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. 

Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom