Inilabas na ng ABS-CBN ang unang teaser ng inaabangang Philippine adaptation ng South Korean drama na “Flower of Evil,” kung saan ipinasilip ang mga karakter nina Lovi Poe at Piolo Pascual. Kabilang din sa cast sina JC de Vera, Agot Isidro, Denise Laurel, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joross Gamboa, Joko Diaz, at Edu Manzano.