Hosted by celebrity mom Bianca Gonzalez, the monthly series will bring in guest experts on child development to discuss child-related matters
Kasama si Bianca Gonzalez
Bibigyang-diin ng Knowledge Channel ang kahalagahan ng early childhood development sa pamamagitan ng "TalkED: Early Childhood Series," isang online educational talk show na ipalalabas online sa Facebook page ng Knowledge Channel at FYE Channel ng Kumu tuwing huling Huwebes ng buwan, simula Mayo 26.
Kasama ang celebrity host at momshie na si Bianca Gonzalez, tatalakayin sa "TalkED" ang ilang hamon sa formative years ng mga bata at mga parenting advice mula sa mga eksperto na makatutulong sa pagpapalaki ng kanilang mga anak at sa pagpapatibay ng samahan ng kanilang pamilya.
Tampok sa unang episode ang guest expert na si Gabby Roa-Limjoco, isang child development specialist at founding partner ng Playworks Early Childhood Centers, na siyang tatalakay sa epekto ng pandemya sa mga bata mula sa kanilang pagiisip hanggang sa kanilang emosyon. Pag-uusapan din kung paano mas magagabayan ng mga magulang ang kanilang mga anak lalo na sa kasagsagan ng new normal.
Maaari ring magtanong at makipag-diskusyon ang mga manonood online sa mga inimbitahang eksperto, at mamigay ng virtual gifts na siyang gagamitin para sa mga proyekto ng Knowledge Channel para patuloy na makapaghatid ng de-kalidad na educational materials sa mga estudyante at guro sa iba't ibang dako ng bansa.
Mapapanood online ang unang episode ng "TalkED: Early Childhood Series" sa darating na Huwebes, 7 ng gabi, sa official Facebook page ng Knowledge Channel (fb.com/knowledgechannel) at sa FYE Channel ng Kumu (@fyechannel).
Ipalalabas din ito bilang isang two-part episode sa Knowledge Channel na available sa SKYcable, Cignal, GSat, SatLite, PCTA cable affiliates, at sa Beam DTT.
Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.