First Viu Original Adaptation from the Philippines, Flower of Evil streams on Viu 48 hours before its domestic television broadcast
Unang Viu Original Adaptation mula sa Pilipinas mapapanood sa Viu 48 na oras bago ito maipalabas sa telebisyon
Ibinalita ngayon ng ABS-CBN at Viu ang pagpapalawak ng kanilang partnership sa pag-adapt ng sikat na South Korean thriller drama na "Flower of Evil" sa 16 markets sa Asya, Middle East, at South Africa. Ang pinaka-aabangang serye na ito ang unang Viu Original Adaptation mula sa Pilipinas, na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Piolo Pascual. Ito ay mapapanood sa Viu, 48 oras bago ito ipalalabas sa telebisyon dito sa Pilipinas.
Ibinahagi nina Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN Entertainment, Cory Vidanes at Viu Philippines Country Manager, Arianne Kader-Cu ang kanilang excitement para sa proyekto, na unang Kapamilya drama series ni Lovi, at unang serye ni Piolo mula noong 2018.
Sabi ni Arianne, “Testament to our commitment to bringing the best premium Asian entertainment to Viu-ers, we are happy to work with ABS-CBN once again to bring the Philippine adaptation of Flower of Evil to all of Viu’s 16 markets. This latest offering puts Filipino talent front and centre in the way we do storytelling, supported by a powerhouse cast and a world-class production team.”
Sabi ni Cory, “Our partnership with Viu on the local adaptation of 'Flower of Evil' is a major milestone for ABS-CBN Entertainment. This is an opportunity for us to showcase excellent Filipino content and talent to the global audience in the 16 markets of Viu.”
Dagdag pa niya, “Our local adaptation of the Korean hit love story 'Flower of Evil,' a compelling and powerful narrative on love for family, search for truth and justice, is the unanimous choice to open our regional partnership with Viu.”
Kasalukuyang nasa production ang "Flower of Evil" at malapit na malapit nang mag-premiere. Susundan nito ang kwento ng isang misteryosong lalaking itatago ang totoong pagkatao at nakaraan niya mula sa misis niyang police detective. Ngunit nang mapunta sa misis niya ang imbestigasyon ng isang serial murder case na hindi pa nalulutas, kailangan nitong harapin ang posibilidad na isang mamamatay-tao ang mister niya.
Ang seryeng ito ay pinagbibidahan din nina Agot Isidro, Edu Manzano, Denise Laurel, Joross Gamboa, Joem Bascon, Epy Quizon, Rita Avila, Jett Pangan, Pinky Amador, Joko Diaz, at JC de Vera.
Una nang ipinalabas sa Viu ang seryeng “The Broken Marriage Vow” ng ABS-CBN bilang bahagi ng kanilang kolaborasyon upang maghatid ng premium Asian entertainment sa mga manonood sa iba’t ibang parte ng mundo.
I-download ang Viu app sa App Store, Google Play, at piling Smart TVs, o bisitahin ang www.viu.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.