ABS-CBN News is ready to serve the Filipinos wherever they may be with real-time updates and breaking stories as they witness another historic election day via the marathon livestreaming of “Halalan 2022: The ABS-CBN News Special Coverage” on the ABS-CBN News YouTube channel starting at 5 am on May 9 (Monday) until 12 nn on May 10 (Tuesday).
Mapapanood din sa iba’t iba pang digital at TV platforms
Dahil patuloy na dumarami ang mga Pilipino na kumukuha ng balita at impormasyon online, totodo rin ang buong pwersa ng ABS-CBN News sa “Halalan 2022: The ABS-CBN News Special Coverage” nito na mapapanood sa ABS-CBN News YouTube Channel at news.abs-cbn.com simula 5 am sa Mayo 9 (Lunes) hanggang 12 nn sa Mayo 10 (Martes).
Tiyak na magiging bahagi ang mga Pilipino saan man sa mundo ng isa na namang makasaysayang eleksyon dahil maghahatid ang ABS-CBN News ng real-time updates, breaking news, at election analysis sa nangungunang Filipino news channel sa YouTube na mayroon nang 13.6 milyon subscribers at higit siyam na bilyong views. Ika-sampu naman sa mundo ang news.abs-cbn.com sa mga publisher sa Facebook noong Marso 2022 ayon sa NewsWhip.
Mangunguna sa pagsulong ng katotohanan sa mahalagang araw na ito ang media icons na sina Noli “Kabayan” De Castro, Henry Omaga-Diaz, at Karen Davila na unang sasalang ng 5 am. Susunod naman sa kanila sina Alvin Elchico at Bernadette Sembrano mula 9 am hanggang 12 nn.
Nariyan din ang ABS-CBN News reporters, regional stringers, at partners na sina Tony Velasquez, Johnson Manabat, Peter Musngi, Danny Buenafe, Doris Bigornia, ABS-CBN North America news bureau head TJ Manotoc, Lexi Schulze, at Raine Musngi upang mag-ulat mula sa mga lugar ng pagboto, magbigay ng updates sa mga tumatakbong kandidato, at ihayag ang resulta ng eleksyon.
Mula 6:30 pm hanggang 8:30 pm naman, matutunghayan din ang mga nagbabagang balita sa araw ng halalan sa “TV Patrol” at muling magpapatuloy ang special coverage pagkatapos nito hanggang Mayo 10 (Martes).
Nariyan din upang magbigay ng kanilang analysis ukol sa halalan ang iba-ibang subject matter experts tulad ni ABS-CBN Data Analytics Team head Edson Guido, kasama rin ang news anchors na sina Rica Lazo, Tina Marasigan, at Denice Dinsay, at ang Bayan Patrollers ng “Bayan Mo, iPatrol Mo.”
Samantala, maaaring subaybayan ang resulta ng halalan sa ABS-CBN News election results site na
www.halalanresults.abs-cbn.com na makikita na online simula Mayo 9.
Ang nonstop coverage ng ABS-CBN News ay ipapalabas din sa iba pang digital platforms kabilang na ang ABS-CBN News Facebook page at TikTok account (@abscbnnews). Available rin ito sa A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube, maliban sa timeslot ng “It’s Showtime.”
May sariling marathon coverage rin ang ABS-CBN News Channel (ANC) tampok sina Karmina Constantino, Michelle Ong, Ron Cruz, Raine Musngi, Stanley Palisada, TJ Manotoc, Lexi Schulze, at Denice Dinsay sa Mayo 9 hanggang Mayo 10. Mapapanood ito sa ABS-CBN News YouTube channel, ANC YouTube channel, at ANC Facebook page.
Sa kabilang dako, 2 pm hanggang 10 pm ng Mayo 8, Linggo, magsisimula ang special coverage sa TeleRadyo na pangungunahan nina Zen Hernandez, Christian Esguerra, Peter Musngi, Danny Buenafe, Alvin Elchico, at Doris Bigornia. Mayroon din itong audio streaming sa TeleRadyo YouTube channel.
Nitong Enero, nakipagsanib-pwersa ang ABS-CBN News sa mahigit 50 na organisasyon para sa “Halalan 2022” marathon coverage sa layuning masiguro ang malinis at mapayapang eleksyon.
Makakakuha rin ng breaking news at iba pang digital news features ang mga Pilipino sa @ABSCBNNews sa Facebook, Twitter, Instagram, Tiktok, at news.abs-cbn.com. Ngayong taon, nagbalik na rin ang “TV Patrol” sa free TV via A2Z. Napapanood din ito sa Kapamilya Channel, TeleRadyo, at ANC. Available rin ang “TV Patrol” sa iWantTFC, ABS-CBN News YouTube Channel, ABS-CBN News App, at ABS-CBN Radio App.
Para sa ibang balita tungkol sa ABS-CBN News, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.