News Releases

English | Tagalog

Sylvia, pinaiyak ang viewers sa "Misis Piggy" ng iWantTFC

May 04, 2022 AT 11 : 07 PM

Tumagos sa puso ng mga manonood ang seryeng “Misis Piggy,” tampok si Sylvia Sanchez, matapos nilang maging emosyonal at ipahayag ang kanilang damdamin sa social media tungkol sa serye, na maagang handog ng iWantTFC para sa Mother’s Day.

Kasalukuyang napapanood nang libre sa Pilipinas ang lahat ng episodes ng “Misis Piggy” sa iWantTFC. Sinubaybayan ng netizens ang kwento ni Marivic (Sylvia), isang single mom na walang sawang binuhos ang kanyang pagmamahal sa tatlo niyang anak na sina Lani, Steffi, at Jeffrey (Ria Atayde, Iana Bernardez, and Elijah Canlas).

Hindi man naging perpekto ang relasyon ni Marivic sa kanyang mga anak, natutunan nilang lahat magpatawad matapos malaman ang malubhang sakit na kanser ni Marivic. 

Pahayag ni @katzurc sa Twitter, “A very heartwarming series that again proves the unconditional love of a mother and that family will always be family no matter what.” Sabi naman ni @ShiningHatsya, “#misisPiggy I need to hug mom more, after seeing the finale. So much for chasing things.”

Saad ni @thetrueMarvel, “Hndi nman ako na-inform na hindi lang iyakan kundi hagulgol pla itong Misis Piggy ng @iwanttfc #misispiggy gondoh, dami kong naluha, mga isang baso din yun.”

Binahagi naman ni @LocaLeira, “Ganda ng misis piggy tpos na hanggang episode 6. Ganda all the way ang cast nkakaiyak talaga.”

Bukod sa “Misis Piggy,” napapanood din sa iWantTFC ang iba’t ibang nakakaantig na pelikula at serye na pwedeng ma-enjoy ng buong pamilya ngayong Mother’s Day. Mapagpipilian dito ang ilang kwento ng mga single mom na “Mama’s Girl” at “Hanggang Saan” na pinagbibidahan ni Sylvia at “My Single Lady” tampok naman si Jodi Sta. Maria. 

Nariyan din ang pelikulang “A Mother’s Story” ni Pokwang, “Wanted: Perfect Mother” ni Regine Velasquez, “Mano Po 6: A Mother’s Love” ni Sharon Cuneta, at mga digitally remastered classics na “MMK: The Movie,” “Madrasta,” at “Anak.”

Ipagdiriwang ang Mother’s Day sa panonood ng mga pelikula at seryeng ito sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.