News Releases

English | Tagalog

Star Magic 30 All-Star Games, mapapanood sa KTX.PH

June 02, 2022 AT 08 : 09 AM

Masisilayan na ng mga Pilipino ang galing nina Daniel Padilla, Donny Pangilinan, KD Estrada, at iba pang Star Magic artists sa iba't ibang larangan ng sports dahil available nga simula Hunyo 11 (Sabado) hanggang Hunyo 26 (Linggo) ang kakatapos lamang na Star Magic 30 All-Star Games.

 

Sa halagang P249, maaliw at matuwa sa bakbakan ng Star Magic Dream Team sa pangunguna nina Donny, Ronnie Alonte, at Elmo Magalona laban sa Team Showtime na kinabibilangan nina Vhong Navarro, Ogie Alcasid, at Ion Perez, habang todo suportaang mga kapwa artista nila tulad nina Loisa Andalio at Belle Mariano.

 

Tunghayan din ang paglalaban ng dalawang Star Hunt basketball team at huwag palampasin ang nakakakilig na pagtsi-cheer ni Alexa para sa Star Magic New Breed kung saan kabilang si KD Estrada kasama sinaSeth Fedelin, Ashton Salvador, at marami pangiba, sa halagang P199.

 

Sundan naman ito ng panonood ng hampasan ng bola sa pagitan ng Star Magic Lady Spikerssa pangunguna nina Andrea Brillantes, Vivoree Esclito, at Analain Salvadorat Team Star Hunt na sina Missy Quiño, Abi Kassem, at Mikha Lim sa halagang P199 din.


Balikan din kung paano nasungkit nina Daniel at Neil Coleta ang men's double sat nina Gello Marquez at Naomi Suello ang mixed doubles sa badminton, laban sa iba pang Kapamilya stars sa halagang P199.

 

Sa unang pagkakataon, pwede rin masilayan ng fans ang ilang Kapamilya stars sapaglalaro ng golf sa presyong P199.

 

Huwag ng magpatumpik-tumpik pa at bumili na ng tickets sa mga nasabing games at bisitahin ang KTX.PH.



Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin angwww.abs-cbn.com/newsroom.