News Releases

English | Tagalog

PIE channel, higit P2M cash na ang napamigay na premyo sa unang buwan nito sa ere

June 22, 2022 AT 07 : 55 PM

Tyang Amy, makikisaya sa PIE jocks  
 

Higit dalawang milyon na ang napamigay na papremyo ng PIE (Pinoy Interactive Entertainment) channel sa mga viewer simula nang umere ito, pero patuloy pa rin ang pag-apaw ng sorpresa at papremyo sa PIE monthsary ngayong Huwebes (Hunyo 23).  

Kaabang-abang ang mga pasabog na magaganap sa PIE monthsary kabilang na ang pagbisita ng orihinal na host ng “Pera o Bayong” na si Amy Perez bilang special host ng “PoB” sa Huwebes, 7 pm na mapapanood sa BEAM TV, Sky Cable Channel 21, PIE website, at PIE YouTube channel.   

Magpapaulan si Tyang Amy kasama ang PIE jocks ng papremyo sa “PoB,” kung saan pwedeng manalo ang viewers ng abot sa P100,000.  

Bago sumalang sa “PoB,” nagmistulang titser si Tyang Amy sa PIE jocks na sina Eian Rances, Kevin Montillano, at Nicki Morena dahil sa pagkwento niya tungkol sa kanyang napulot na aral sa pagiging host ng “Pera o Bayong” ng ABS-CBN.  

“Ako natutunan ko kay Kuya Dick [Roderick Paulate] ay you allow the other person also to shine. ‘Pag hosting ang pinagusapan, dapat alam mo na confident ka na kaya ka kinuha for that job is alam mo sa sarili mo na kaya mo. Now, you don’t have to outshine the other person,” pagbahagi ni Tyang Amy sa isang video na mapapanood sa PIE YouTube channel.  

Dagdag pa ni Tyang Amy, naging ‘therapy’ din sa kanya ang pag-host ng “Pera o Bayong” sa panahon na may malaking hamon sa kanyang personal na buhay dahil isinapuso niya ang turo ni Kuya Dick na “the show must go on.”  

Ani Tyang Amy, “Naging therapy sa akin ‘yung pagpunta sa work every day even if I was going through a very difficult time noong mga panahon na iyon.” 

Samantala, makikilala na rin sa Huwebes (Hunyo 23), bandang alas 7 ng gabi, ang pinakabago at isang espesyal na PIE jock na makakasama na ng mga katroPIE. 

Bilang bahagi rin ng selebrasyon ng #PIEmonthsary, may libreng sakay din sa piling ruta ng mga pampasaherong jeep simula simula Hunyo 23 hanggang Hunyo 27. Kabilang dito ang Dapitan-Baclaran (via Taft Ave.), MOA-Bicutan, PRC-Mantrade, San Juan-Divisoria, Pasig-Taguig, at Cubao-Vito Cruz.  

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang viewers kahit nanonood lang ng TV oras-oras at araw-araw. Marami ring mapapanood sa iba’t ibang timeblocks ng PIE channel tulad ng PIESILOG, BARANGAY PIE, PIEGALINGAN, PIENALO, at PIE Night Long.   

Makisama na sa selebrasyon simula sa Huwebes (Hunyo 23) sa PIE channel. Hanapin ang PIE channel sa pag-scan ng iyong digibox, panonood sa website (pie.com.ph), YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), BEAM TV, o Sky Cable Channel 21. Pwede ring mapanood ang PIE live sa GLife ng GCash app. Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917Ventures.  Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok para sa mga update.  

Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.     

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE