Dagsa ang mga panibagong pasabog at ilang best-of-the-best performances mula sa paborito ninyong Kapamilya stars ngayong Linggo (Hunyo 26) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Humanda na sa panibagong back-to-back biritan nina Vina Morales at Regine Velasquez kasama sina Kyla at ang bandang Six Part Invention.
Balikan naman ang pop group hits kantahan at sayawan nina Darren, Andrea Brillantes, Francine Diaz, Loisa Andalio, Ronnie Alonte, Karina Bautista, Krystal Brimner, Jeremy G, Nyoy Volante, Elha Nympha, Yeng Constantino, ALAMAT, at ng buong "ASAP Natin 'To" family.
Throwback muna tayo sa bigating P-Pop performance ng BGYO at BINI kasama sina KZ at Ogie Alcasid.
Maki-hataw muli sa Rolling Stones sayawan nina Belle Mariano, Kyle Echarri, AC Bonifacio, Joao Constancia, Vivoree Esclito, Maris Racal, Enchong Dee, at ASAP dance royalty Kim Chiu.
Abangan din ang best-of-the-best biritan ng New Gen Birit idols na sina Reiven Umali, JM Yosures, Lara Maigue, Sam Mangubat, at Sheena Belarmino; at ang senti kantahan nina Alexa Ilacad, Anji Salvacion, at Angela Ken.
At panooring muli ang OPM love hits showdown nina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Jed Madela, Kyla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez kasama ang musikerong si Homer Flores sa "The Greatest Showdown."
Pakatutukan ang lahat ng ito sa Best Musical Variety Show ng 9th Paragala Awards, ang ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.