Will Cardo and Ramona be able to topple their opponents? Will Task Force Agila be able to reunite with Cardo or will they decide to give up their fight?
Nash Aguas, nagbabalik bilang batang Cardo
Sasabak sa isa na namang matinding sagupaan si Cardo (Coco Martin) matapos niyang makipagsanib-pwersa sa itinuturi niyang pangalawa niyang nanay na si Ramona (Charo Santos-Concio) sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sa wakas ay nagising na si Cardo matapos siyang maiwang nag-aagaw buhay sa kalsada. Laking gulat ni Cardo nang malaman niyang iniligtas siya ni Ramona, ang nanay-nanayan niyang kumupkop sa kanya noong binata pa siya.
Ang buong akala ni Cardo ay napatay si Ramona dahil sa isang madugong engkwentro noon. Si Ramona kasi ay isang lider ng mga armadong lalaki na nagtipon-tipon upang makipaglaban para makamit ang kapayapaan sa bansa.
Ibinunyag din sa mga nakaraang episodes na si Ramona ang nagturo kay Cardo (Nash Aguas) noong bata pa siya kung paano makipaglaban at paano humawak ng baril.
Sa kanilang muling pagkikita, nangako sila sa isa’t isa na magtutulungan sila at magsasanib-pwersa upang pabagsakin ang kanilang mga kalaban na sina Renato, Arturo, at Lily (John Arcilla, Tirso Cruz III, at Lorna Tolentino).
Ngunit nanganganib ang kanilang misyon dahil natunton na sila ng Black Ops at gagawin nito ang lahat upang mapatay si Cardo. Matinding pagsubok din ang haharapin ni Cardo lalo na’t kailangan niyang sumabak sa gyera nang hindi niya kasama ang Task Force Agila.
Hanggang ngayon, walang kamalay-malay ang Task Force Agila sa kinaroroonan ni Cardo. Unti-unti na rin silang nawawalan ng pag-asa matapos maiwang sugatan ang ilan sa kanila at gawing bihag ng mga kalaban si General Borja (Jaime Fabregas).
Matatalo kaya nina Cardo at Ramona ang mga kalaban? Susuko na ba talaga ang Task Force Agila?
Huwag palampasin ang “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.” Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.