Todo-todo ang party vibes ngayong unang weekend ng Hunyo dahil sa isa na namang world-class concert experience mula sa paborito ninyong Kapamilya stars live na live ngayong Linggo (Hunyo 5) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Ito ang comeback na hindi mo dapat ma-miss dahil nagbabalik-ASAP stage si Maymay Entrata para sa isang pasabog na dance number kasama si Edward Barber at ang G-Force na may kasamang special appearance mula kina Luis Manzano at Asia's Superstar Kathryn Bernardo.
Dagsa rin ang mga selebrasyon ngayong Linggo, tampok ang special motherhood performance ni Angeline Quinto kasama sina Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Jason Dy, Jolina Magdangal, Vina Morales, at Regine Velasquez; at ang "PBB Kumunity Season 10" Big Winner celebration ni Anji Salvacion kasama ang mga dating Big Winner na sina Maymay, Kim Chiu, at Melai Cantiveros.
Hatawan at kantahan to the max sa all-time pop hits performance nina Alexa Ilacad, KD Estrada, Francine Diaz, Seth Fedelin, AC Bonifacio, Jeremy G, Angela Ken, Joao Constancia, Jin Macapagal, BINI, MNL48, at ang buong "ASAP Natin 'To" family.
Abangan din ang mga birthday pasabog ng Asia's Phoenix na si Morissette kasama si Darren, at ni Belle Mariano kasama ang ka-loveteam na si Donny Pangilinan.
Kiligin din sa duet ng "Love in 40 Days" stars na sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio, habang makihataw rin kasama ang ASAP queen of the dancefloor, Kim Chiu, at ang Maneouvers Ignite.
At maantig sa isang espesyal na musical tribute para sa nag-iisang Queen of Philippine Movies, Ms. Susan Roces, mula kina Gary Valenciano, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Ogie Alcasid, Regine Velasquez, Morissette, KZ, Darren, Jason Dy, Jeremy G, Vina Morales, Jolina Magdangal, Klarisse de Guzman, Janine Berdin, Lara Maigue, Reiven Umali, Sam Mangubat, Sheena Belarmino, JM Yosures, Elha Nympha, Janella Salvador, at Gigi de Lana.
Ito ang weekend party na hindi mo dapat palampasin mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.