Patron tickets, mabibili pa
Sabik na sabik na ang fans nina Donny Pangilinan at Belle Mariano para sa “HIH All Access,” ang finale concert para sa serye nilang “He’s Into Her,” dahil sold out agad ang VVIP at VIP tickets wala pang isang oras nang i-release ito.
Gaganapin ang espesyal na finale concert sa Araneta Coliseum sa Agosto 27, 8 PM at ito ang magsisilbing regalo para sa mga manonood sa pagtatapos ng second season ng “He’s Into Her.” Makakabili pa rin ng tickets sa ticketnet.com.ph para sa Patron A (P2,000), Patron B (P1,500), Lower Box (P1,000), Upper Box (P500,) at Gen Ad (P200).
Bukod kina Donny at Belle, magpapakilig din ang kanilang mga co-star na sina Jeremiah Lisbo, Kaori Oinuma, Vivoree Esclito, Joao Constancia, Criza Taa, Turs Daza, Dalia Varde, Ashley del Mundo, Gello Marquez, Limer Veloso, Mikha Lim, JC Alcantara, Shanaia Gomez, Rajo Serrano, Zach Castaneda, River Joseph, CJ Salonga, at Reich Alim.
Dapat ding abangan ang mga pasabog na performances tampok ang ilang surprise guests at up-and-coming stars na makakasama ng “He’s Into Her” cast.
Sa kasalukuyang takbo ng kwento ng “He’s Into Her,” patindi nang patindi ang mga problema sa relasyon nina Deib at Max (Donny at Belle) dahil pinaghihiwalay sila ng kani-kanilang mga pamilya. Ngunit ayaw sukuan ng dalawa ang kanilang pagmamahalan matapos nilang mangako sa isa’t isa na ipaglalaban nila ito at itatago na lang muna nila ang kanilang relasyon sa iba.
Mas magiging kumplikado pa ang sitwasyon nila dahil nalaman ng pamilya ni Deib na si Max ang nag-leak ng impormasyon kaya nakatakas si Boyet (Janus del Prado), ang prime suspect sa pagbaril sa kuya ni Deib na si Dale (Turs Daza).
Samantala, available pa rin sa Viber ang “He’s Into Her Season 2” viber stickers. Maaari itong i-download nang libre sa https://bit.ly/HIH2ViberStickers o i-search ang “He’s Into Her” sa Viber Sticker Market.
Panoorin ang “He’s Into Her Season 2” sa iWantTFC app (iOs at Android) o sa iWantTFC website (iwanttfc.com).
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://iwanttfc.com/help#tfc-on-smart-tv.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFCo sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.