Talagang bigatin ang salubong sa July dahil sa nagbabagang all-star performances, tampok ang engrandeng 40
th showbiz anniversary celebration ni Martin Nievera, at iba pa live ngayong Linggo (Hulyo 3) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Live na live ipagdiriwang ng nag-iisang Concert King ang kanyang ika-40 na taon sa industriya kasama ang ASAP icons na sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Ogie Alcasid, at Regine Velasquez pati sina Erik Santos, Angeline Quinto, Jed Madela, Jason Dy, Klarisse de Guzman, Janine Berdin, JM Yosures, Reiven Umali, Sheena Belarmino, Jolina Magdangal, Nina, Morissette, at iDolls, na sasabayan din ng pagtugtog ni maestro Louie Ocampo.
Hindi rin pahuhuli sa anniversary celebration ni Martin sina Maymay Entrata, Alexa Ilacad, Anji Salvacion, Belle Mariano, Andrea Brillantes, Chie Filomeno, Vivoree Esclito, Krystal Brimner, Joao Constancia, Jeremy G, Jameson Blake, Kyle Echarri, at KD Estrada.
Abangan din ang ASAP exclusive single launch ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid, tampok ang bago niyang awiting "Huwag Mo Akong Iwan."
Todo-bigay rin ang BTS hits performance nina Gary V., Kyle, Jeremy, at BGYO habang hahataw rin sa dancefloor sina Maymay, Andrea, at Belle.
Abangan din ang mainit-init na sorpresa mula sa cast ng "Beach Bros" na sina Kyle Echarri, Chie Filomeno, Lance Carr, Raven Rigor, Brent Manalo, at Angelica Lao. Patuloy rin na magbabaga ang ASAP stage sa fierce solo act ni Lovi Poe.
Tuloy-tuloy rin ang kantahan sa duet nina KZ at Kiana Valenciano, at ang Dionne Warwick hits biritan nina Zsa Zsa at Regine kasama ang magkaibigang sina Nikki Valdez, Rica Peralejo, at Jolina Magdangal.
At humanda rin sa bonggang duet patalbugan nina Gary Valenciano, Gigi de Lana, Martin Nievera, Klarisse de Guzman, Zsa Zsa Padilla, Jed Madela, Ogie Alcasid, Angeline Quinto, Erik Santos, Morissette, Jason Dy, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."
Sama na sa bigating all-star concert party ng longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," live na live ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.