News Releases

English | Tagalog

"Huwag Mo Kong Iwan," apila ni Ogie

July 01, 2022 AT 10 : 51 AM

 Troy Laureta at Ogie Alcasid, nagsanib-pwersa para sa bagong kanta
 
May bagong love ballad ang OPM singer-songwriter si Ogie Alcasid na pinamagatang “Huwag Mo Kong Iwan” na kanyang kolaborasyon sa Filipino-American music producer na si Troy Laureta.
 
Ang legendary songwriter at “It’s Showtime” host mismo ang sumulat ng kanta na inareglo at prinodyus naman ng U.S.-based musical director na si Troy. Nangyari ang kanilang exciting collaboration kamakailan habang nasa Amerika si Ogie para sa kanyang concert tour.
 
Tungkol ang “Huwag Mo Kong Iwan” sa damdamin ng isang tao na iiwan na ng kanyang pinakamamahal at pinaka-inaasahang tao. Nagsisilbi rin itong apila na iligtas siya sa matinding pananabik at kalungkutan.

 
Sinusundan ng pinakabagong Star Music release ang kantang “I L Y” na proyekto ni Ogie kasama ang Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid at “It’s Showtime” resident sound designer na si DJ M.O.D. na inilabas noong Abril.  
 
Bago naman ang kolaborasyon na ito, nakipagsanib-pwersa din si Troy sa Star Music para sa kanyang “Giliw” album na isang compilation ng OPM ballads na binigyan ng bagong-buhay ng mga tanyag na mang-aawit mula sa iba’t ibang bansa. Isa sa album tracks nito ang “Araw Gabi” na pinerform ng American artist na si Loren Allred na may lyric video na umani na ng 1 million views sa YouTube.
 
Namnamin ang damdamin ng nasasaktan sa kantang “Huwag Mo Kong Iwan” na napapakinggan na ngayon sa iba’t ibang digital streaming platforms. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).