News Releases

English | Tagalog

Jaime, buwis-buhay para kay Coco sa "FPJ's Ang Probinsyano"

July 12, 2022 AT 11 : 34 AM

Will Delfin still be able to survive? Will Cardo and Task Force Agila make it out alive?

Bagong all-time high record 350,373 live concurrent viewers sa Kapamilya Online Live…

Katapusan na ba ni Lolo Delfin (Jaime Fabregas)?

Mukhang tuluyan nang isinakripisyo ni Delfin ang kanyang buhay upang iligtas sa kapahamakan ang minamahal niyang apong si Cardo (Coco Martin) sa “FPJ’s Ang Probinsyano.” Tinutukan ng viewers ang maaksyong bakbakan dahil winasak ng serye ang sarili nitong viewership record matapos magtala ng all-time high na 350,373 live concurrent viewers sa Kapamilya Online Live sa YouTube noong Lunes (Hulyo 11).

Naiwang duguan at walang malay si Delfin matapos siyang paligiran ng grupo ni Armando (John Estrada). Pero kahit nagdusa si Delfin sa kamay ng kalaban, nakatakas naman si Cardo sa pagbabaril sa kanya at natuklasan na rin niyang totoong traydor si Armando at ang grupo nito. 

Habang nasa panganib pa ang buhay ni Cardo, wala siyang kaalam-alam sa planong pag-rescue sa kanya ng buong pwersa ng Task Force Agila, kasama na rin sina President Oscar (Rowell Santiago) at Aurora (Sharon Cuneta). Subalit, nabawasan ng kakampi ang mga Agila dahil pinatay na ni Lolita (Rosanna Roces) ang dati nitong kasamahan na si Lucas (Joseph Marco).

Mas iigting pa ang maakysong salpukan ng Task Force Agila laban sa grupo nina Armando dahil sisingilin na nina Oscar at Aurora sina Armando at Lolita sa ‘di umano’y pagpatay nila sa nag-iisang anak nilang si Mara (Julia Montes).

Huwag palampasin ang tumitinding aksyon “FPJ’s Ang Probinsyano” gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. I-rescan lang ang anumang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus box, para mapanood sa TV5 at A2Z ang mga bagong episode ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”  Mapapanood din sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng iWantTFC at The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV ang “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.