News Releases

English | Tagalog

Mga mangangapa ng Baseco, itinampok ni Noli sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan"

July 16, 2022 AT 10 : 30 PM

Noli de Castro takes a trip to Baseco to look into 'pangangapa,’ a means of livelihood wherein residents dive into the murky waters of Baseco to catch clams in this Sunday’s (July 17) episode of “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”

Bumiyahe si Noli de Castro sa Baseco upang alamin ang 'pangangapa,' isang paraan ng kabuhayan, kung saan sumisisid ang mga residente sa Baseco para mangisda, ngayong Linggo (Hulyo 17) sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan."  

Ginagawa ang ‘pangangapa’ o panghuhuli ng isda at iba pang yamang dagat gamit lamang ang kanilang mga kamay. Wala rin silang mga lambat, sa halip mga improvised na materyales tulad ng mga takip ng bentilador ang katuwang nila sa panghuhuli ng halaan. 

At kasama ang KBYN, silipin natin ang isang coffee shop sa Cavite na may samu't-saring koleksyon ng mga antique tulad ng mga vintage bookshelf, electric fan, at iba pa na naipon ng may-ari na si Edwin Guinto sa loob ng tatlong dekada. Ang mga antigong gamit na ito na akala mong patapon na, napaganda na, naging kapaki-pakinabang pa.    

Tampok din sa “KBYN” ang dalawang persons with disabilities (PWDs) na nagsisilbing inspirasyon sa iba dahil sa kung paano nila nilalampasan ang kanilang pisikal na limitasyon tulad ng paglalaro ng basketball at paggawa ng mga gawaing bahay. 

Huwag palampasin ang kamangha-manghang mga kuwento sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, ABS-CBN News' Channel sa YouTube, TeleRadyo, at A2Z. 

Para sa karagdagang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.