News Releases

English | Tagalog

ABS-CBN Foundation, 33 taon nang naglilingkod sa Pilipino

July 18, 2022 AT 01 : 08 PM

The ABS-CBN Foundation marks its 33rd year with a renewed vision towards fulfilling its mission to serve Filipinos. With its three decades of experience, it has continuously championed children’s welfare, education, environmental stewardship, disaster relief and rehabilitation, and community empowerment.

Patuloy na kumikilos tungo sa mas makabuluhang paghahatid ng serbisyo
 

Sa pagdiriwang ng ABS-CBN Foundation ng ika-33 taong anibersaryo nito ay umusbong ang bagong sigla nito sa pagtupad sa misyong magsilbi sa mga Pilipino. Sa tatlong dekada nitong karanasan, walang patid nitong isinusulong ang kapakanan ng mga bata, edukasyon, pangangalaga sa kalikasan, agarang tulong at rehabilitasyon tuwing may kalamidad, at pagbibigay-kakayahan sa mga komunidad. 

Nitong mga nagdaang taon, ang mga pangunahing programa ng Foundation ay nagsimulang magbago upang tumugma sa kasalukuyang mga pangangailangan ng kanyang mga pinagsisilbihan. Sa patuloy na paghahangad na pagsilbihan ang mga batang Pilipino, pinalawak ng Bantay Bata 163 ang mga serbisyo ng helpline nito upang maisama ang mga pamilyang nangangailangan ng suportang ukol sa mental health. Tinutulungan ng Programa Genio na ilabas ang pagkahenyo ng mga nais matuto sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng daan sa de-kalidad na edukasyon, mga materyales at kasangkapan sa pag-aaral. Ang Bantay Kalikasan ay naglalayong alagaan ang lahat ng uri ng likas-yaman ng Pilipinas—mula sa pagtatanim ng mga puno sa La Mesa Watershed hanggang sa pagpreserba ng biodiversity ng Verde Island Passage at sa pagkalinga ng mga likas na yaman sa iba pang mga lugar sa bansa. Pinagtitibay ng Sagip Kapamilya ang kahandaan sa mga sakuna, maliban pa agarang tulong at sa rehabilitasyon ng mga naaapektuhang lugar. 

Ang mga pagbabagong ito ay tumulong para mapalawak at mapalakas ang partnership ng Foundation sa iba't ibang stakeholder, tulad ng mga ahensya ng gobyerno, local government units (LGUs), non-profit organizations (NGOs), at ang pribadong sektor. 

Nagpapasalamat si ABS-CBN Foundation managing director Roberta Lopez-Feliciano sa lahat ng mga nakibahagi sa serbisyo publikong hatid ng Foundation sa nakalipas na 33 taon. Ayon din kay Lopez-Feliciano, ang kanilang mahigit tatlong dekadang karanasan ay nagpapatibay sa hangarin ng Foundation na tumugon at umangkop sa mga kasalukuyang pangangailangan ng kanyang pinaglilingkuran, sa pagsasakatuparan ng misyon nito na maglingkod sa mga Pilipino.  

Nagsimula ang ABS-CBN Foundation noong 1989 upang tuparin ang mandato ng dating ABS-CBN Chairman, ang yumaong si Eugenio Lopez, Jr na "ang dahilan ng ating negosyo ay para magserbisyo sa publiko." Sinimulan ng kanyang anak na si Gina Lopez ang mga programa ng Foundation na direktang nakakatulong sa mga bata at mga pamilya, mga komunidad at sa kalikasan. 

Sundan ang mga kwentong nagbibigay ng inspirasyon at pagbabago, pag-ibig at pag-asa sa patuloy na paggunita ng ika-33 taon ng ABS-CBN Foundation. Abangan at makibalita sa “G Diaries” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Metro Channel at ANC; “Kapamilya Konek” sa Teleradyo; at sa opisyal na website ng Foundation (https://foundation.abs-cbn.com) at sa mga opisyal na social media accounts nito sa  Facebook (facebook.com/abscbnfoundationinc), Twitter (twitter.com/abscbnfi_ph), at Instagram (instagram.com/abscbnfoundation). 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE