Kabayan Noli de Castro brings another meaningful episode as he goes on a food tour in a farm in Cavite where he learns that rabbit’s meat can be used to make Filipino dishes like adobo, sisig, and lechon in “KBYN: Kaagapay ng Bayan” this Sunday (July 3).
Kabayan, sinamahan ang mga kariton vendors sa pag-iikot
Isa na namang makabuluhang episode ang hatid ni kabayan Noli de Castro dahil sa kanyang mistulang food tour sa isang farm sa Cavite, kung saan nakita niya kung paano ginawang adobo, sisig, at lechon ang karne ng rabbit o kuneho sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ngayong Linggo (Hulyo 3).
Sa pagpunta ni Kabayan sa farm ng negosyanteng si Willie Menor, nalaman niyang hindi lang pala maamo at nakakaaliw ang mga kuneho o rabbit bilang alagang hayop. Nakakatakam din pala ang karne nito na maaaring ibenta at gawing lutong Pinoy.
Samantala, ibabahagi rin ni Kabayan ang kwento ng sakripisyo ng kariton vendors sa viewers. Sinamahan niya ang kariton vendors na sina Gema Aguilar at Benjie Tuwalla na masipag na mag-ikot upang magbenta ng mga damit at gulay. Tinungo rin ng “KBYN” ang isa pang kariton vendor na si Concepcion Garcia, isang tindera ng saging na sa kanyang puwesto na natutulog.
Huwag palampasin ang handog na mga kwento ng “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, TeleRadyo, at A2Z.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa www.abs-cbn.com/newsroom.