Filipinos can watch the first State of the Nation Address (SONA) of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. on how the new administration plans to address the different challenges that the country is facing through ABS-CBN’s “SONA 2022” multimedia coverage on Monday (July 25).
Masusubaybayan ng mga Pilipino ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. tungkol sa plano ng bagong administrasyon kung paano lulutasin ang iba’t ibang mga hamon na hinaharap ng bansa sa pamamagitan ng “SONA 2022” multimedia coverage ng ABS-CBN ngayong Lunes (Hulyo 25).
Magkakaroon ang ABS-CBN News ng “SONA 2022” livestream sa Facebook (Facebook.com/abscbnNEWS), YouTube (YouTube.com/ABSCBNNews), ABS-CBN News app, iWantTFC, at sa website nito (news.abs-cbn.com). Available rin ang audio streaming sa ABS-CBN Radio app pati na sa YouTube channel ng TeleRadyo.
Sa telebisyon, mangunguna ang broadcast journalists na sina Alvin Elchico at Jeff Canoy sa "SONA 2022" coverage ng TeleRadyo pagsapit ng alas 2 ng hapon, habang sina Peter Musngi at Rica Lazo naman ang makakasama ng viewers simula 5:30 pm. Eere rin ang "SONA 2022" coverage sa ANC simula 3 pm kasama sina Karmina Constantino at Ron Cruz.
Matutunghayan din ang komprehensibong "SONA 2022" coverage ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel at A2Z kasama naman sina Henry Omaga-Diaz at Karen Davila simula 3:20 pm.
Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.