News Releases

English | Tagalog

Viral lugaw vendor, itatampok ni Noli sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan"

July 22, 2022 AT 11 : 14 PM

Why would a 'lugaw' vendor sell his product for only P2? This is what Kabayan Noli de Castro finds out as he gets to know Mang Romy, the 'lugaw' vendor from Valenzuela City whose story went viral on social media, this Sunday (July 24) on “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”


Noli, nakipag-bonding sa mga cute na aso sa Tagaytay

 
Bakit nga ba magbebenta ang isang tindero ng lugaw sa halagang P2?
Ito ang aalamin ni Kabayan Noli de Castro sa pagsama niya kay Mang Romy, ang viral 'lugaw' vendor mula sa Valenzuela City, sa bagong episode ng "KBYN: Kaagapay ng Bayan" ngayong Linggo (Hulyo 24).  
Halos limang dekada nang nagbebenta ng lugaw si Romeo Velasco o mas kilala bilang Mang Romy sa kanyang mga parokyano. Kamakailan lang naging viral sa social media si Mang Romy  dahil sa napakamura niyang lugaw na nasa P2.00 lang ang presyo.  
Samantala, titingnan ni Kabayan ang produksyon ng mga eco brick na gawa sa pinaggamitang langis at mga basurang plastik. Nagtulungan ang mga lokal na pamahalaan ng Marikina at Angeles upang lumikha ng isang recycling program na ginagawang kapaki-pakinabang na materyales ang kanilang naipon na basura.  
Sa Tagaytay City, binisita naman ng mamamahayag ang fur parents na sina Jose Ignacio at Edison Cham na may alagang higit sa tatlumpong Great Danes. Ang lahi na ito ay kilala bilang 'gentle giants' dahil sa malambing na katangian nito. Nakilala rin ni Noli ang 'small but terrible' na Yorkshire Terrier na si Ollie na pag-aari ni Alethea Aileen Tan. Si Ollie ang naging ‘companion dog’ ni Althea noong pumanaw ang kanyang ama.  
Huwag palalagpasin ang mga natatanging kuwento ng Pilipino sa KBYN: Kaagapay ng Bayan kasama ang nag-iisang Kabayan Noli de Castro, Linggo Hulyo 24, 2022, 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at sa news.abs-cbn.com/live.