News Releases

English | Tagalog

Pugulot, titikman ni Noli sa "KBYN: Kaagapay ng Bayan"

July 29, 2022 AT 02 : 38 PM

Noli de Castro discovers the ‘pugulot’, a smaller version of the Filipino delicacy ‘balot’, which is exclusively made in a farm that houses almost 30,000 quails this Sunday (July 31) on “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”

Kabayan, sumama sa isang wild honey hunting sa Quezon
 

Nakatikim ka na ba ng ‘pugulot’ o pugo na balot? 

Aalamin ni Noli de Castro ang ‘pugulot’, ang pinaliit na bersyon ng Pinoy delicacy na ‘balot’, na ginagawa sa isang farm na nag-aalaga ng halos 30,000 na pugo ngayong Linggo (Hulyo 31) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”  

Titingnan rin ni Kabayan ang proseso ng pag-aalaga ng mga pugo at kung paano pwedeng pagkakitaan ng farm ang paggawa ng ‘pugulot’.  

Sa kabila ng mga urban development sa Metro Manila, mayroon pa ring mga residenteng naninirahan sa ilalim ng tulay, sa bangketa, at sa tabing-ilog. Binisita ng beteranong mamamahayag ang mga pamilya ng mga informal settler na ito at inalam ang kanilang kalagayan at kinakaharap na peligro sa kanilang mga tinitirhan. 

Samantala, bumiyahe rin grupo ng KBYN sa Polilio sa Quezon Province para tuklasin ang wild honey hunting at sumama sa mga ‘mamumuhag’ sa kanilang mahirap at peligrosong pagha-hunt ng tunay at purong pulot. 

Panoorin ang mga kamangha-mangha at inspirational na kuwento sa KBYN: Kaagapay ng Bayan ngayong Linggo (Hulyo 31) simula 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at news.abs-cbn.com/live.   

Para sa karagdagang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom