Aarangkada muli ang party vibes sa world-class concert treat ng inyong paboritong Kapamilya stars ngayong Linggo (Hulyo 10) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Abangan ang pasabog na duet mula sa precious gem ng showbiz na si Lovi Poe at ang nag-iisang Asia's Songbird Regine Velasquez.
Paiinitin naman nina KD Estrada, Alexa Ilacad, Maymay Entrata, Belle Mariano, Andrea Brillantes, and ASAP dance royalty Kim Chiu ang ASAP stage kasama sina Angela Ken, SAB, and Janine Berdin para sa kanilang nagbabagang Camilla Cabello hits performance sa "Star Magic Presents."
Itodo pa ang saya sa concert hits kantahan at sayawan mula kina Edward Barber, Jameson Blake, Anji Salvacion, Vivoree Esclito, Krystal Brimner, Fana, G-Force, Manoeuvres Ignite, at ang buong "ASAP Natin 'To" family. Hindi rin pahuhuli sa party sina Donny Pangilinan, Robi Domingo, at Piolo Pascual.
Sumabay naman sa "Winning" performance ni KZ kasama ang Power Impact Dancers, habang may collab din sina Bamboo at EZ Mil sa ASAP stage.
Maki-hugot naman sa break-up playlist biritan nina Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Nina, at Kyla, pati na sa bagong senti vibes single launch ni Moira dela Torre.
Tuloy-tuloy ang kantahan sa James Ingram hits tapatan nina Gary Valenciano, Martin Nievera, at Ogie Alcasid kasabay sina Erik Santos, Jed Madela, Jason Dy, Nyoy Volante, Jeremy G, Kyle Echarri, at iDolls.
At abangan ang mga matitinding duet ng New Gen Birit idols na sina Sheena Belarmino, Reiven Umali, Lara Maigue, Sam Mangubat, Gigi de Lana, at JM Yosures kasama sina Gary V., Zsa Zsa, Ogie, Martin, Angeline, Erik, at Regine sa "The Greatest Showdown."
Pakatutukan ang bigating concert experience na ito mula sa longest-running musical variety show sa bansa, ang "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.