Tuloy-tuloy lang ang good vibes na hatid ng inyong ASAP family, tampok ang bigating birthday blowout nina Ogie Alcasid at Pilita Corrales, at all-star tribute para kina Cherie Gil at Olivia Newton-John ngayong Linggo (Agosto 21) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Makisaya sa birthday celebration ng OPM hitmaker na si Ogie Alcasid kasama sina Regine Velasquez, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Martin Nievera, Angeline Quinto, Darren, Jason Dy, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Anji Salvacion, Elha Nympha, Fana, Sheena Belarmino, at iDolls.
Hindi rin pahuhuli ang mga kaibigan niya sa industriya at kanyang mga mahal sa buhay, kasama sina Lovi Poe, Janine Gutierrez, JC de Vera, Karylle, Amy Perez, Reiven Umali, Sam Mangubat, Lara Maigue, Gian Magdangal, Anthony Barion, Poppert Bernadas, Moira Lacambra, at Aikee, habang makiki-party rin sina Robi Domingo, Seth Fedelin, Jameson Blake, Jin Macapagal, Karina Bautista, at Krystal Brimner.
Hahataw rin ang stars ng "Lyric and Beat" na sina Darren, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Sheena Belarmino, at Jeremy G.
May bonggang biritan din ang New Gen Birit Idols na sina Janine Berdin, Reiven Umali, Sheena Belarmino, at JM Yosures.
Kiligin din sa duet treat ng tambalang DonBelle at maki-awit naman sa Olivia Newton-John classics tribute nina Juris, Nina, KZ, Angeline, at Klarisse.
Abangan din ang pagbibigay-pugay sa nag-iisang Primera Kontrabida ng bansa, Cherie Gil, mula kina Regine, Zsa Zsa, at Megastar Sharon Cuneta.
At huwag palampasin ang grand birthday celebration para sa Asia's Queen of Songs dahil bibirit din sa ASAP stage si Pilita Corrales kasama sina Gary Valenciano, Regine Velasquez, Zsa Zsa Padilla, Angeline Quinto, Erik Santos, Jed Madela, Elha Nympha, Lara Maigue, Sheena Belarmino, Fana, Nyoy Volante, Klarisse de Guzman, Jason Dy, at Jolina Magdangal, kasabay din ang premyadong musikero na si Homer Flores at ang kanyang pinakamamahal na mga apo na sina Diego at Max Gutierrez, at Arrabella Davao.
Makisali na sa bigating concert ng longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC.
Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.