ABS-CBN won a Philippine Quill Award for “Kapamilya Himig Handog,” an employee songwriting contest that enabled Star Music to discover new songwriters internally and led to the launch of Star Music’s “OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1” EP featuring popular artists singing the contest’s top winners.
Top five entries, kabilang sa “OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1” EP
Wagi ng Philippine Quill Award ang “Kapamilya Himig Handog,” ang unang employee songwriting competition ng ABS-CBN kung saan nakapaglunsad ang Star Music ng EP na “OPM Fresh Songwriters Series Vol. 1” tampok ang mga awiting kinanta ng mga sikat na artists na sinulat ng mga employee composer.
Kabilang sa EP ang mga awiting “Kaya Pala” ni Jona (sinulat ni Jane Abaday), “Sleep Tonight” ni Trisha Denise (sinulat ni Mark Marcos), “Mahiwaga” nina Bugoy Drilon at Liezel Garcia (sinulat nina Michelle Saubon at Michael Obregoso), “Ikaw Na Lang Ang Kulang” ni Kyla (sinulat nina Kitte Estabillo at Paul Armesin), at “Stop Missing You” ni Maris Racal (sinulat ni Mycah Borja).
Dahil sa “Kapamilya Himig Handog,” natupad ang pangarap ng mga aspiring employee composer na mapakinggan ng mundo ang kanilang mga awitin dahil available sa Amazon Music, Apple Music, Deezer, Spotify, at YouTube ang EP.
Hango sa kilalang nationwide songwriting contest na “Himig Handog” ang internal communications contest na nag-udyok sa aspiring employee songwriters na lumikha ng mga makabuluhang kanta at makilala ng Star Music.
Pinararangalan ng International Association of Business Communicators (IABC) Philippines taon-taon ang mga mahuhusay na mga programang pang-komunikasayon ng iba’t ibang organisasyon sa bansa sa Philippine Quill Awards.
Kinilala rin ng mundo ang “Kapamilya Himig Handog” matapos itong makasungkit ng international Gold Quill Award ng International Association of Business Communicators sa Excellence Gala Night sa New York, USA noong Hunyo.
Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit www.abs-cbn.com/newsroom.