Kasabay ng pagbubukas ng mga paaralan ngayong Agosto, at sa pagbabalik ng mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan, inilunsad ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI) ang
School Anywhere na nagbibigay ng mas malawak na access para sa mga estudyante at guro na mapanood ang kanilang mga programa sa telebisyon, online at offline.
Layunin nitong gabayan ang mga estudyante at ang mga guro sa kanilang hybrid or blended learning curriculum kasama ang mga paborito ninyong artista at influencers na tatalakayin ang iba’t-ibang subjects sa eskwelahan.
Patuloy ang Knowledge Channel sa pagpapalabas ng educational shows nito online ngayong school year na angkop mula preschool hanggang senior high school. Ilan dito ang bagong season ng
Wikaharian Online World ni Teacher Michelle Agas, at
MathDali Live kasama si Kuya Robi Domingo.
May bagong episodes din ang online trivia quiz show na
Knowledge On the Go kasama si Coach Lyqa Maravilla, at
Art Smart kasama si Teacher Precious Gamboa.
Tuloy-tuloy rin ang pagbibigay ng parenting advice mula sa mga eksperto sa
TalkED: Early Childhood Series ni momshie Bianca Gonzalez tuwing huling Huwebes ng buwan, habang magsasaya rin ang mga chikiting sa masayang nursery rhymes kantahan sa
Pop Babies.
Samantala, inilunsad din ngayong taon ng KCFI ang espesyal na TLE (technology and livelihood education) programming block para sa mga senior high school students tuwing Martes, Huwebes at Sabado simula 4PM, tampok ang kaalaman sa agrikultura sa
AgriCoolture kasama si Enchong Dee, at early negosyo tips sa
Negosyo Ka, Asenso Ko.
Layunin ng School Anywhere na magbigay ng mas malawak na access para sa mga estudyante at guro na mapanood ang kanilang mga programa sa telebisyon sa pamamagitan ng 17-hr curriculum-aligned programming sa cable, DTT, at direct-to-home satellite, pati online sa iWantTFC. Mapapanood din ang video lessons on-demand sa Facebook at YouTube page ng Knowledge Channel.
Palabas din ang School Anywhere sa Kapamilya Channel tuwing Linggo, 7 AM, at sa A2Z mula Lunes hanggang Biyernes, 7 AM.
Maari din ma-access ng mga guro ang mga programa ng Knowledge Channel offline, na hindi kailangan ng internet, sa pamamagitan ng Knowledge Channel Portable Media Library (PML) and Knowledge Channel TV.
Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang
knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (
youtube.com/knowledgechannelorg) nito.