News Releases

English | Tagalog

Kantahan ng SethDrea, Darren, AC sa "Lyric and Beat," patok online

August 23, 2022 AT 03 : 07 PM

Along with “Lyric and Beat’s” musical madness, viewers also sang praises for the series on social media for its captivating storyline with an inspiring message to never give up on one’s dreams. 

Bagong episode kada Biyernes libre sa iWantTFC…

Siksik sa sayawan at kantahan ang unang iWantTFC original musical series na “Lyric and Beat” kaya’t tutok na tutok ang mga manonood sa ‘feel-good’ serye tampok sina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

Nakakaindak at nakaka-”LSS” (last song syndrome) ang mga musical performance kung saan binibigyang-buhay nina Andrea, Seth, Darren Espanto, AC Bonifacio, Kyle Echarri, Sheena Belarmino, Jeremy Glinoga, Angela Ken, at Awra Briguela ang mga kanta ng tanyag na composer na si Jonathan Manalo.

Tampok sa serye ang mga kanta tulad ng “Tara Tena,” “Kabataang Pinoy,” “Hindi Kita Iiwan,” at “Patuloy ang Pangarap” upang ipagdiriwang ang ika-20 taon sa industriya ni Jonathan. Pumatok at bilib na bilib ang mga manonood sa serye kung saan ibinibida ang talentong Pinoy. 

Ayon sa Nylon Manila magazine, isa itong “new gen musical series” na ikaka-proud ng mga Pilipino. Sabi naman ng Village Pipol na siguradong mapapasabay sa sayawan at kantahan ang mga manonood dahil sa husay na pagkagawa ng mga eksena. 

Bukod sa magagandang performances, natuwa ang netizens at pinuri nila ang serye sa social media para sa nakaka-inspire na kwento kung saan binibigyang-diin na huwag sumuko sa mga pangarap gaano man ito kahirap. 

Sa kasalukuyang takbo ng kwento, todo-todo na ang paghahanda ng Team Werpa nina Lyric (Andrea) at Beat (Seth) dahil makikipag-showdown sila laban sa Team Prime Belters ni Jazz (Darren). Pero kahit may namumuong rivalry sa pagitan ng dalawang grupo, mukha namang nagkakamabutihan sina Lyric at Beat habang binibigyan nila ng kumpiyansa ang isa’t isa. 

Kaninong grupo ang mananaig upang i-represent ang kanilang eskwelahan sa inaabangang national competition?

Mapapanood nang libre ang bagong episodes ng “Lyric and Beat” kada Biyernes sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com