News Releases

English | Tagalog

Paralympic athletes, ipinamalas ang lakas sa “KBYN: Kaagapay Ng Bayan”

August 25, 2022 AT 06 : 29 PM

Pag-aalaga ng organic na manok para sa mga Pinoy na health conscious, itatampok ni Kabayan 
 

Tunay nga ang Filipino fighting spirit dahil ipapamalas ng dalawang atletang may polio ang kanilang mga kakayahan sa sports ngayong Linggo (Agosto 28) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ng Noli de Castro. 

Sa kabila ng kanilang kapansanan, patuloy na nagbibigay ng karangalan sa bayan sina silver medalist Adeline Ancheta at gold medalist Jerrold Mangliwan sa kanilang pagsali sa mga internasyonal na kompetisyon tulad ng Asean Para Games. Kilala si Ancheta bilang isang powerlifter habang si Mangliwan naman bilang wheelchair racer. 

Kakaibang laban naman ang masasaksihan sa tatlong magkakapatid na binisita ng “KBYN” team sa Ocampo, Camarines Sur na patuloy na nabubuhay sa kabila ng pagkakaroon ng cerebral palsy. Sa sampung magkakapatid na Dacer, sina Narcisa, Maribel, Maria Angge, at isa pang kapatid na pumanaw na, ang dinapuan ng karamdaman. Dahil sa pagmamahal at pangangalaga ng panganay na si Richel, nananatili pa ring positibo ang pananaw nila sa buhay. 

Bilang pagsuporta sa pamilya, ang team ay nagdonate ng mga sako ng bigas at groceries upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.  

Samantala, itinuro ni Kabayan sa mga manonood ang organiko at natural na proseso ng pag-aalaga ng mga free range na manok para sa mga Pinoy na mas health conscious na ngayon. Ipinakita nina Wyden King ng King’s Natural Farm at Tina Pamora ng Pamora Farm kay Noli ang pasikot-sikot ng chicken farming na ito na ang mga alaga ay chemical free na, stress free pa.  

Panoorin ang mga kuwento ng inspirasyon at pag-asa ngayong Linggo (Agosto 28) dito sa KBYN: Kaagapay ng Bayan simula 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at sa news.abs-cbn.com/live.