Lead star Jodi Sta. Maria, who personally received the award with supervising producer Kylie Manalo-Balagtas at the awards night held in Bangkok, Thailand, dedicated the award to the whole team behind “The Broken Marriage Vow.”
Jodi: ang tagumpay ay pagkilala sa talento ng Pinoy sa Asya
Panalo ang hit series ng ABS-CBN na “The Broken Marriage Vow” bilang Best TV Format Adaptation (Scripted) in Asia sa prestihiyosong 2022 ContentAsia Awards.
Personal na tinanggap ni Jodi ang parangal kasama ang supervising producer na si Kylie Manalo-Balagtas sa awards night na ginanap sa Bangkok, Thailand. Inaalay ni Jodi ang parangal sa lahat ng mga tao na bumuo ng “The Broken Marriage Vow.”
“Nakakatuwa kasi kung iisipin mo, panalo ito ng lahat, ‘yung buong team na pinangunahan ng aming direktors na sina Connie Macatuno and Andoy Ranay,” kwento ni Jodi sa isang panayam sa ABS-CBN News.
Kinilala rin ni Jodi ang husay ng kanyang co-stars sa serye na nagpakitang-gilas upang magtagumpay ang “The Broken Marriage Vow.” Sabi ni Jodi, “it really takes a village to produce such an amazing series. It’s really about showcasing Filipino talent sa buong Asya.”
Maraming viewers ang nabighani sa kwento ng “The Broken Marriage Vow,” kaya naman naging pinakapinanood na Asian drama ito sa Viu Philippines. Lagi ring pinag-uusapan ito sa social media at nagkaroon din ng spoof videos ang ilan sa mga hindi malilimutang eksena sa teleserye.
Matagumpay din ang digital concert noong Abril ng Filipino remake ng “Doctor Foster” na tampok ang performances ng mga singer na umawit ng mga kanta na kabilang sa official soundtrack ng “The Broken Marriage Vow.”
Para sa iba pang update, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, and TikTok, or visit
www.abs-cbn.com/newsroom.