Viewers can tune in to Cinema One’s Monday Drama block every 9 PM to witness Piolo’s timeless charisma and talent on-screen.
Mga pelikula kasama sina Claudine, Regine, at Angel, tampok sa Monday Drama block
Bida ang apat na digitally restored Star Cinema films ni Piolo Pascual sa Cinema One ngayong Agosto, na magpapakita kung paano nga ba siya naging isa sa mga pinakahinahangaang aktor at leading man ngayon.
Habang naghihintay ng bagong episode ng “Flower of Evil,” pwedeng tumutok ang mga manonood sa Monday Drama block ng Cinema One tuwing 9 PM para mapanood ang walang-kupas na karisma at talento ni Piolo on-screen.
Tampok ngayong Lunes (Agosto 8) si Piolo bilang ang aktibistang si Jules Bartolome sa historical drama film na “Dekada ’70.” Nanalo ng grand slam para sa Best Supporting Actor award si Piolo para sa kanyang role sa pelikula mula sa 2003 PMPC Star Awards for Movies, FAMAS Awards, Gawad Urian, at iba pa.
Ang classic na romantic drama film na pinagtambalan nila ni Claudine Barretto noong 2004 na “Milan” naman ang ipapalabas sa Agosto 15, tungkol sa paghihirap at pagmamahalan ng mga karakter nilang OFW sa Italy.
Sa Agosto 22, eere naman sa Cinema One ang “Paano Kita Iibigin,” kung saan bida si Piolo bilang maangas na resort owner na si Lance kasama si Regine Velasquez-Alcasid bilang problemadong ina na si Martee na napilitang magtrabaho kay Lance. Mapabuti kaya ng nabubuo nilang nararamdaman para sa isa’t isa ang kanilang buhay?
Hindi rin dapat palampasin ang unang pagsasama sa big screen nina Piolo at Angel Locsin sa “Love Me Again” sa Agosto 29, kung saan gumanap sila bilang childhood sweethearts na sina Migo at Arah, na pinaglayo ng mga problema sa pamilya. Sa pagkikita nilang muli sa Australia, alamin kung bubuksan ba nila ang puso ulit o tuluyan nang lalayo sa isa’t isa.
Samantala, ipapalabas din ang restored films ni Aga Muhlach ngayong buwan sa Restored Cinema block ng Cinema One kada 9 PM tuwing Linggo. Uumpisahan ito ng ”A Love Story” bgayong Agosto 7, “Kung Ako Na Lang Sana” sa Agosto 14, “Dubai” sa Agosto 21, at “Sana Maulit Muli” sa Agosto 28. Pwede ring tumutok kada 7 PM ng Martes sa Star Cinema Primetime block ng Cinema One para mapanood ang iba pa niyang pelikula.
Dapat namang abangan ng fans ng nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino sa FPJ: Hari ng Pinoy Cinema tuwing 11 AM ng Linggo, dahil ipapalabas ang “Patayin si Mediavillo” sa Agosto 7, “Agila ng Maynila” sa Agosto 14, “Bandido sa Sapang Bato” sa Agosto 21, at “Isa-Isa Lang” sa Agosto 28. Mas maraming “Da King” pa ang pwedeng tutukan dahil ang mga pelikula niya sa alyas na Ronwaldo Reyes ay ipapalabas sa C1 Masters block ng cable channel kada Miyerkules, 9 PM.
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Cinema One sa
Facebook,
Twitter,
TikTok,
YouTube, at
Instagram.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.