News Releases

English | Tagalog

Kwento ng viral candy vendor na si Lolo Pops, itatampok ni Noli sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan”

August 04, 2022 AT 11 : 04 AM

Noli de Castro gets to know the decade-old story of Angelito Gino-gino or ‘Lolo Pops’, the viral elderly candy vendor from Angeles, Pampanga this Sunday (August 7) in “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”  

Kabayan, tutuklasin ang proseso ng ornamental fishkeeping ngayong Linggo
 

Kikilalanin ni Noli de Castro si Angelito Gino-gino o ‘Lolo Pops’, ang viral lolo na naglalako ng mga kendi mula Angeles, Pampanga ngayong Linggo (Agosto 7) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”  

Sa kabila ng eded ni Lolo Pops, patuloy pa rin ito sa pagtitinda para matustusan ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang asawa na na-stroke noong 2011. Matapos ihinto ang kanyang paglalako dahil sa pandemya, bumalik sa pagbebenta ng pastillas at polvoron si Lolo Pops gamit ang kanyang pedicab. Sa tulong rin ng kanyang anak, nabibili na ang kanyang mga paninda online. At mula sa kanyang pagtitinda, nakapagpatayo na siya ng sariling bahay nila.  

Naglakbay rin ang grupo ng KBYN patungo sa Real, Quezon para makilala si Julio Resumen, isang kargador na patuloy na nagtatrabaho kahit unti-unti nang nawawala ang paningin. Dinala ng KBYN si Julio sa isang espesyalista upang malaman kung may lunas pa ang kanyang kondisyon.  

Samantala, tutuklasin din ng beteranong mamamahayag ang pag-aalaga ng mga ornamental fish ng mga hobbyist na sina Mike Go at Rainard Yu. Nag-aalaga si Mike ng mga pambihirang gold fish sa kanyang farm sa Guagua, Pampanga na nagkakahalaga ng sampung libong piso at isinasama ang mga ito sa ornamental fish competitions. Tulad ni Mike, nag-aalaga rin si Rainard ng guppies at ibenebenta ito sa iba’t ibang panig ng mundo.  

Huwag palalagpasin ang mga kuwento ng inspirasyon at pag-asa sa KBYN: Kaagapay ng Bayan ngayong Linggo (Agosto 7) simula 5PM sa A2Z, TeleRadyo, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, youtube.com/ABSCBNNews at sa news.abs-cbn.com/live.