Noli de Castro introduces two of Manila Wrestling Federation’s (MWF) athletes, including transwoman Chelsea Marie Artiaga, this Sunday.
“Boy Palitaw”, ipapakita ang nakakaaliw na paglalako ngayong Linggo
Dalawa sa mga atleta ng Manila Wrestling Federation (MWF), kabilang ang trans woman na si Chelsea Marie Artiaga, ang ipakikilala sa atin ni Noli de Castro ngayong Linggo (Setyembre 18) sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”
Sa muling pagbabalik ng mga live show ng MWF pagkatapos ang mahigit dalawang taon, nakasama ang 29-anyos na si Chelsea sa pangunahing roster nito. Ayon sa kanya, tinutupad niya ngayon ang kanyang pangarap na maging isang propesyonal na wrestler habang sinasalungat ang mga stereotype sa mga trans woman na tulad niya.
Bukod kay Chelsea, nakilala ni Kabayan ang 25-anyos na si CJ Serafin na bahagi rin ng junior wrestlers ng MWF. Sa kabila ng murang edad nina Chelsea at CJ, napatunayan nila ang kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng pakikipagsabayan sa mga beterano sa larangang ito.
Itinampok din ng “KBYN” team ang 18-anyos na si John Mark Navarro, na kilala rin bilang “Boy Palitaw” ng Taguig, dahil sa kanyang nakakaaliw na paraan ng pagtitinda ng meryenda at kakanin. Nag-viral siya sa social media dahil sa kanyang galing sa pagbalanse at paglalako – pinagpapatong-patong niya ang mga lalagyan sa tuktok ng kanyang ulo habang nakasakay sa kanyang bisikleta.
Samantala, personal na binisita ng mamamahayag ang mga magtatahong at magtatalaba sa Bulungan Seafood Market sa Parañaque at Barangay Talaba sa Bacoor, Cavite para alamin ang mga problema na kanilang kinakaharap sa kanilang kabuhayan. Bilang isa sa pangunahing supplier ng tahong at talaba sa Metro Manila, iba't ibang hamon ang kinakaharap ng mga magtatahong bago pa man ang pandemya. Kabilang na rito ang mga red tide at, ngayon, ang reklamasyon sa Manila Bay. Sa gitna ng mga suliraning ito, nanganganib na nga ba silang mawalang ng kabuhayan?
Panoorin ang mga kwentong ito sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” ngayong Linggo (Setyembre 18), alas 5 ng hapon bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,
news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, TeleRadyo, at A2Z.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.