Will Team Werpa be victorious against Modern Pop? Who among Beat and Grae will Lyric fall in love with?
Abangan ang finale ngayong Biyernes sa iWantTFC
Isang pasabog na performance ang dapat abangan mula kina Lyric (Andrea Brillantes) at Beat (Seth Fedelin) sa unang paghaharap nila sa grupo ni Grae (Kyle Echarri) sa pinaka-inaabangang sing and dance showdown sa finale ng “Lyric and Beat,” na mapapanood ngayong Biyernes (Setyembre 23) ng 8 PM (Manila time) sa iWantTFC.
Malapit nang matupad ang pangarap nina Lyric at Beat kaya todo-todo na ang paghahanda nila kasama ang kanilang Team Werpa para sa prestihiyosong national championships, kung saan makakalaban nila ang sikat na grupong Modern Pop, na pinangungunahan ni Grae.
Mas nabigyan ng pag-asa ang Team Werpa na kaya nilang manalo dahil nakipagsanib-pwersa na sa kanila ang Prime Belters, ang dati nilang karibal. Napapayag ni Cadence (AC Bonifacio) ang best friend niyang si Jazz (Darren Espanto) na sumali sa Team Werpa dahil sa tingin niyang mas mapapansin ang kanilang galing at talento kung nasa isang grupo sila.
Matinding showdown ang haharapin ng Team Werpa kaya kailangan nilang magpakitang gilas sa mga hurado at dapat nilang patunayan na kaya nilang tapatan ang husay ng hinahangaang grupo ng Modern Pop.
Pero bago pa nito, kailangan munang ayusin ng Team Werpa ang kani-kanilang mga problema. Nag-away kasi sina Lyric, Jazz, at Melissa (Sheena Belarmino) nang malaman nilang magkakapatid pala sila. Lalala pa ang problema dahil kay Viola (Agot Isidro), ang ina nina Jazz at Melissa, kasi desidido pa rin siyang pahiyain at pahirapan si Lyric.
Samantala, may namuo nang love triangle sa pagitan nina Lyric, Beat, at Grae. Gusto nang aminin ni Beat ang tunay niyang nararamdaman para kay Lyric, bago pa siya maunahan ni Grae, na naging malapit na sa dalaga.
Matatalo kaya ng Team Werpa ang Modern Pop? Sino kina Beat at Grae ang magwawagi sa puso ni Lyric?
Mapapanood nang libre ang finale episode ng “Lyric and Beat” ngayong Biyernes sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Available rin ang serye sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.