Kabayan Noli De Castro highlights action figures made from used rubber slippers in “KBYN: Kaagapay ng Bayan.”
Kabayan, dinalaw ang mga buwaya sa Rizal
Nakakamanghang mga laruan na gawa mula sa mga lumang tsinelas na likha ng isang Pinoy ang ibabahagi ni Kabayan Noli de Castro sa “KBYN: Kaagapay ng Bayan” ngayong Linggo (Setyembre 4).
Laki sa hirap ang artist na si Elmer Padilla kaya hindi siya nabigyan ng mga magulang ng mga laruan. Sa kagustuhan na magkaroon ng sariling laruan, nadiskubre ni Elmer na may angking galing pala siya sa sining dahil nakakagawa siya ng action figures hango sa mga sikat na pelikula tulad ng Transformers at Marvel superheroes gamit lamang ang mga sirang tsinelas.
Dahil sa kanyang talento, napansin din si Elmer ng Hollywood star na si Mark Ruffalo na gumaganap bilang si Hulk noong 2017, kung saan hawak ni Mark ang gawang Hulk doll ni Elmer.
Samantala, bibisita rin si Kabayan Noli sa isang crocodile farm sa Morong, Rizal na tahanan ng 20,000 na buwaya upang malaman kung paano inaalagaan ang mga dambuhalang buwaya at anong mga produkto mula sa buwaya ang pwedeng gawing negosyo.
Isa ring 11 taong gulang na bata sa Candaba, Pampanga na may hindi pangkaraniwang laki ng mga paa ang itatampok sa “KBYN.” Dahil sa kahirapan, hindi kayang ipagamot ng kanyang mga magulang si John Mark Dimla, pero hindi hadlang ang kanyang kondisyon para magsumikap sa pag-aaral at makatulong sa kanyang ama.
Huwag palampasin ang handog na mga kwento ng “KBYN: Kaagapay ng Bayan,” tuwing Linggo, 5 pm bago ang “TV Patrol Weekend” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live,
news.abs-cbn.com/live, YouTube ng ABS-CBN News, TeleRadyo, at A2Z.
Para sa ibang balita, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at Tiktok o pumunta sa
www.abs-cbn.com/newsroom.