How will Jules and Marge overcome the struggles of their first baby together?
Abangan sa Setyembre 30
Three times the fun at kilig ang handog nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo-Yap sa pag-welcome nila ng kanilang unang baby sa season 3 ng iWantTFC original series na “Hoy, Love You.”
Mapapanood ito nang libre sa iWantTFC app (iOs and Android) at website (iwanttfc.com) ngayong Setyembre 30. Libre rin ang lahat ng episodes ng seasons 1 at 2 na available pa rin sa iWantTFC.
Sabik na sina Jules (Joross) at Marge (Roxanne) na madagdagan ang kanilang pamilya ngunit masusubukan ang kanilang relasyon nang malaman nilang maselan ang pagbubuntis ni Marge. Kahit na nahihirapang pagsabayin ang trabaho at pamilya, gagawin naman ni Jules ang lahat para alagaan ang kanyang misis.
Madadagdagan ang problema ng mag-asawa dahil kay Richard (Dominic Ochoa), ang ex ni Marge na magiging ka-kompetisyon din ni Jules sa bago niyang negosyo. Bukod sa pangingialam ni Richard, makikisawsaw din sina Elizabeth (Carmi Martin) at Malu (Keanna Reeves), ang mga nanay nina Marge at Jules, dahil pagtatalunan nila ang mga pamahiin sa pagbubuntis ni Marge.
Samantala, pwede nang gawing official nina Charles (Aljon Mendoza) at Kara (Karina Bautista) ang kanilang relasyon pero hahadlang sa kanilang pag-iibigan si Kulas (Race Matias), ang kababata ni Kara na pagseselosan ni Charles. Hindi lang si Charles ang magkaka-love life dahil magdadalaga na si JR (Brenna Garcia) at mahuhulog ang loob nito kay Kulas.
Maglelevel-up din ang kwelang samahan nina Drew (TJ Valderrama), Bart (Yamyam Gucong), at Tommy (Pepe Herrera) dahil ma-iinlove si Tommy sa isang maganda at misteryosong dayo na si Agnes (Kate Alejandrino), na pinaghihinalahan ng iba na isa siyang aswang.
Paano malalagpasan nina Jules at Marge ang mga pagsubok para sa una nilang baby?
Nagbabalik para magdala ng ‘good vibes’ sa season 3 ang istriktong lolo ni Kara na si Lou Veloso, at ang bagong cast member na si Donna Cariaga.
Ang “Hoy, Love You” ay sa ilalim ng direksyon ni Theodore Boborol sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com). Available rin ang serye sa premium subscribers sa labas ng Pilipinas.
Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.
Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.