News Releases

English | Tagalog

BINI, inilabas na ang sophomore album na "Feel Good"

September 30, 2022 AT 03 : 25 PM

The BINI "Feel Good" Album Showcase is happening on October 28 at SM City North EDSA Skydome.

Live album showcase, magaganap na sa Oct. 28
Todo-todo sa good vibes ang hatid ng all-female P-pop group na BINI sa bagong labas nilang album na “Feel Good” tampok ang lahat ng love feels sa limang original songs at two bonus tracks nito.
 
Pagkatapos silang kilalanin bilang Outstanding Female Group of the Year sa Diamond Excellence Awards 2022, inilabas na nga ng grupo ang sophomore album nila noong Huwebes (Sept. 29) tampok ang charming members na sina Aiah, Colet, Maloi, Gwen, Stacey, Mikha, Jhoanna, at Sheena na ngayon ay magniningning sa mas palabang tunog. 
 
Hatid ng “Feel Good” album ang awiting “Strings” bilang key track nito na isinulat mismo ng grupo kasama sina Robert Perena at ang producer ng kanta na si ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo. Kasabay ng album ang paglunsad din ng “Strings” official music video na talaga naman nagtrending sa Twitter at nagkaroon ng higit sa 2,400 sabay-sabay na viewers sa premiere nito.
 
 
Nanguna agad ang bagong album sa iTunes Charts pagkarelease nito. Kabilang din ito sa “New Music Daily,” “Future Hits,” at “Absolute OPM” iTunes playlists habang nakapasok sa Top 15 Song Chart ang lahat ng tracks nito.
 
Naging bahagi rin ang album ng “New Music Friday Philippines” at “Radar PH” playlist ng Spotify at nanguna pa sa “P-pop On The Rise” playlist nito.
 
Noong Setyembre 22, naunang inilabas ng tinaguriang nation’s girl group ayon sa kanilang fans na Blooms ang kantang “I Feel Good” na isa sa album tracks na may nakakagiliw na music video rin.
 
Ilan pa sa original tracks ng album ang “No Fear,” “Huwag Muna Tayong Umuwi,” at ang dati nang inilunsad na kantang “Lagi.” Meron ding “Lagi” acoustic version at “Strings” dance version ang nasabing album.
 
 
Nakatakdang ibida ng BINI ang kanilang latest music sa “Feel Good” Live Album Showcase na ngayon ay magaganap na sa Oktubre 28 (Biyernes) sa SM City North EDSA Skydome.
 
 
Mabibili pa rin ang tickets sa nasabing event sa SM Tickets sa halagang P500 (regular), P1,200 (VIP), at P1,800 (SVIP) kalakip ang entrance pass, physical copy ng “Feel Good” album, at poster.
 
 
Pakinggan ang “Feel Good” album ng BINI na available na ngayon sa iba’t ibang streaming platform. Sundan ang BINI_ph sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok, at mag-subscribe sa kanilang official YouTube channel, BINI Official para sa updates.

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 4 PHOTOS FROM THIS ARTICLE