Magsisimula na ang selebrasyon ng Halloween sa Cinema One sa pagtatampok nito ng mga horror at action-fantasy movies mula kina Coco Martin, Park Seo Joon, Goo Yoo, at Jackie Chan sa buong buwan ng October.
Bibida ang Hallyu star na si Park Seo Joon bilang MMA fighter sa South Korean film na “The Divine Fury” na ida-dub sa Filipino. Dito, magiging palaisipan ang misteryosong sugat na lilitaw sa kanyang mga kamay na maghahatid sa kanya para labanan ang kababalaghan na nagnanais maghasik ng lagim sa mundo.
Sa “Ang Panday,” ginagampanan ni Coco Martin ang apo ng orihinal na Panday na biglang mapapasabak sa matinding laban sa pagkadiskubre niya na nasa dugo niya ang responsibilidad na iligtas ang kapwa laban sa kasamaan.
Mapapanood naman ang Hong Kong-born Chinese actor na si Jackie Chan sa “The Knight of Shadows” bilang legendary demon hunter na iimbestigahan ang misteryosong pagkawala ng mga batang babae sa isang village.
Tuloy-tuloy ang takot at kaba na hatid ng blockbuster hit na “Train to Busan” kung saan ginagampanan ng Hallyu actor na si Gong Yoo ang isang ama na kasama ang kanyang anak na babae at ibang mga pasahero sa tren habang may zombie outbreak sa South Korea.
Panoorin ang “The Divine Fury” sa Oktubre 2, “Ang Panday” sa Oktubre 9, “The Knight of Shadows” sa Oktubre 23, at “Train To Busan” sa Oktubre 30 sa Blockbuster Sunday block ng Cinema One tuwing Linggo, 7 pm.
Magkakaroon din ng two-day Halloween Marathon sa Cinema One tampok ang Pinoy horror classics na “Multo In The City,” “Mana,” “Impakto,” “Shake Rattle & Roll 8,” “Spirit Warriors,” at “Shake Rattle & Roll 11” sa Oktubre 30 (Linggo).
Patuloy ang pananakot sa mga pelikulang “Vampira,” “Anak Ng Dilim,” “Takbo, Talon, Tili,” “Drakula Goes to RP,” “Sigaw,” “Wow Multo!,” “The Strangers,” “Bahay ni Lola,” “Bloody Crayons,” “Magandang Hatinggabi,” at “Tiyanak” sa Halloween (Oktubre 31).
Available ang Cinema One, ang tahanan ng Filipino blockbuster movies, sa Cignal ch. 45, SKYcable ch. 56, at iba pang local cable service providers. Para sa iba pang impormasyon, sundan ang Cinema One sa
Facebook,
Twitter,
TikTok,
YouTube, at
Instagram.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa
Facebook,
Twitter,
TikTok, at
Instagram o bisitahin ang
www.abs-cbn.com/newsroom.