News Releases

English | Tagalog

Mga programa ng Jungo TV, nasa iWantTFC na

September 05, 2022 AT 08 : 08 AM

Four of Jungo TV’s channels will be available for free on iWantTFC - A8 ESports, Black Belt TV, Scream Flix, and Toro TV.

Tampok ang e-sports, martial arts, horror shows…

Mas marami nang programa ang mapagpipilian sa iWantTFC dahil mapapanood na rito ang Jungo TV, isang international streaming media company na may iba’t ibang palabas tampok ang movies, sports, music, at marami pang iba. 

Ang iWantTFC ang kauna-unahang Filipino owned-and-operated over-the-top (OTT) platform na ipapalabas ang mga channel ng Jungo TV. Bago pa nito, nakipag-partner na rin ang iWantTFC sa Red Bull at FashionTV para maghatid ng iba’t ibang magagandang palabas at para mas maraming mga programa ang mapapanood ng mga iWantTFC subscriber.

“This is another exciting partnership that will help us satisfy the interests of our subscribers as we work towards expanding iWantTFC’s premium content. Jungo TV carries an extensive list of programs with quality entertainment, that is why we are looking forward to amplifying their offerings to our viewers,” sabi ni ABS-CBN head of digital na si Jamie Lopez.

Apat sa mga channel ng Jungo TV ang libreng mapapanood sa iWantTFC - A8 ESports, Black Belt TV, Scream Flix, at Toro TV. 

“We are excited to work with media powerhouse ABS-CBN to distribute our channels across the Philippines and around the world. Our innovative and diverse entertainment digital-first TV networks with horror, action, esports, and martial arts programming will enhance the already robust content offering of iWantTFC,” sabi ni George Chung, CEO ng Jungo TV.

Available worldwide ang A8 Esports tampok ang sari-saring e-gaming shows na swak sa mga hardcore gamers tulad ng “Super Replay: Sonic the Hedgehog,” “Around the Block,” “City Exhibitions: League of Legends,” at “Super League: Clash Royale - Clash Online.”

Maaaksyong bakbakan naman ang hatid ng Black Belt TV na available sa Philippines, Malaysia, Indonesia, Singapore, Thailand, Cambodia, Laos, Myanmar, Qatar, UAE, Saudi Arabia, Bahrain, USA, Canada, at Latin America. Matuto ng iba’t ibang tips at tricks sa martial arts sa “White Belt II Advanced Guard and Mount Groundfighting,” classic films na “Return of the Street Fighter” at “Leopard First Ninja,” at balikan ang kwento ng martial arts icon na si Bruce Lee sa seryeng “The Legend of Bruce Lee.”

Tuloy-tuloy naman ang aksyon sa Toro TV na siguradong mae-enjoy ng mga kalalakihan. Tampok dito ang international combat sports, mga kwento ng MMA legends, at iba pang action-adventure films tulad ng “Enemy Gold,” “Burning Palms,” at “Off The Menu.”

Pwede ring panoorin sa Scream Flix ang ilan sa mga pinakasikat at classic na horror films kagaya ng “Amityville: Mt Misery Road,” “Hell Girl,” at “Cabin Fear.” Available ang Toro TV at Scream Flix sa USA, Canada, Latin America, Qatar, UAE, Saudi Arabia, at Bahrain.

I-stream ang mga channel ng Jungo TV sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com.