News Releases

English | Tagalog

Andrea, anak sa labas?

September 07, 2022 AT 11 : 45 AM

Will Lyric be able to compose herself and rejoin Team Werpa to outshine the Prime Belters?

Seth, nag-aalala para kay Andrea sa “Lyric and Beat”

Pinamukha talaga ni Viola (Agot Isidro) kay Lyric (Andrea Brillantes) na anak siya sa labas at hindi siya karapat-dapat maging sikat na singer sa iWantTFC original musical series na “Lyric and Beat,” na nasa huling tatlong episodes na lang. 

Hindi inaasahan ni Lyric ang mga masasakit na salita sa kanya ni Viola, kung saan iginiit nito na anak sa labas si Lyric at inagaw sa kanya ni Isay, ang yumaong ina ni Lyric, si Peter (Jett Pangan), ang asawa ngayon ni Viola at dati ring manager ng grupo nina Viola at Isay na Trio Gen Divas.

Pero hindi alam ni Lyric na nagsisinunggaling lang si Viola dahil si Viola talaga ang naging kabit ni Peter habang karelasyon nito si Isay. Bukod sa totoong ama niya si Peter, kailangan na rin tanggapin ni Lyric na kapatid niya sina Jazz (Darren Espanto) at Melissa (Sheena Belarmino), mga miyembro ng karibal niyang grupo sa eskwelahan. 

Dahil sa pinagdadaanan ni Lyric, nanganganib tuloy ngayon ang inaabangang sing and dance showdown ng Team Werpa laban sa sikat na grupong Prime Belters. 

May pag-asa pa namang magbigay ng bonggang performance ang Team Werpa kung matutulungan at makukumbinsi ni Beat (Seth Fedelin) ang matalik niyang kaibigan na si Lyric na samahan ulit ang grupo nila.

Magaganahan ba ulit si Lyric na tulungan ang Team Werpa para talunin ang Prime Belters?

Mapapanood nang libre ang bagong episodes ng “Lyric and Beat” kada Biyernes sa iWantTFC app (iOs at Android) o website (iwanttfc.com).

Mas madali nang manood sa iWantTFC gamit ang "watch now, no registration needed" feature nito. Mapapanood din ang iWantTFC sa mas malaking screen sa piling devices gaya ng VEWD, ROKU at Amazon Fire streaming devices, Android TV, piling Samsung Smart TV models, Telstra TV (available lamang sa Australia) para sa users sa labas ng Pilipinas, at VIDAA para sa piling mga bansa. Available na rin ang iWantTFC via Chromecast at Airplay. Para sa kumpletong listahan ng compatible devices, sign in instructions, at account activation, bisitahin ang https://bit.ly/iWantTFC_TVDevices.

Para sa updates, i-like ang www.facebook.com/iWantTFC o sundan ang @iwanttfc sa Twitter at Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantTFC. Kung may mga katanungan naman, ipadala ang mga ito sa Facebook page ng iWantTFC o mag-e-mail sa support@iwanttfc.com