Talagang sisiklab ang stage sa mga bigating selebrasyon at world-class acts mula sa paborito ninyong Kapamilya stars at special guests ngayong Linggo (Enero 15) sa "ASAP Natin 'To" sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Sa isang ASAP exclusive, abangan ang bonggang 35th showbiz anniversary celebration ng nag-iisang Asia's Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid kasama sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, Angeline Quinto, Klarisse de Guzman, Darren, Jason Dy, Elha Nympha, Fana, Sheena Belarmino, Lara Maigue, Janine Berdin, JM Yosures, Khimo Gumatay, Reiven Umali, Anji Salvacion, Kice, Lucas Garcia, Enzo Almario, Gello Marquez, Shanaia Gomez, Bryan Chong, Ann Raniel, MNL48, at Moira dela Torre with special guests Dulce, Jamie Rivera, at Janno Gibbs.
Samantala, magliliyab muli ang dancefloor dahil may hatid muling mainit-init na sorpresa ang isa sa OG ASAP dance royalties na si Shaina Magdayao, na sasabayan din ng pasabog na duet nina Gary V. at Martin.
Tuloy-tuloy ang hatawan sa tapatan nina Chie Filomeno at Regine Tolentino sa "Clash Dance," at sa '80s sayawan nina Enchong Dee at Maris Racal kasama ang UAAP Season 85 cheer dance champions na NU Pep Squad.
Sanib-pwersa rin ang paborito ninyong P-Pop acts na MNL48, PHP, G22, VXON, Fourth Impact, at Dream Chasers ng "Dream Maker" para maghatid ng proudly Pinoy treats kasama sina Vina Morales, Krystal Brimner, at ang buong ASAP family.
Abangan din ang swabeng acoustic session nina JM de Guzman, Janine Berdin, Kice, Angela Ken, at Ice Seguerra, pati ang bonggang divas biritan nina Zsa Zsa at Regine kasabay sina Nina at Frenchie Dy.
At may fresh collab naman ang pambansang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama si Fana, habang may bigating 45th anniversary celebration din si Louie Ocampo kasama sina Alexa Ilacad, Anji, Klarisse, Ann Raniel, Bryan, Lucas, at Reiven.
Lahat ng world-class Pinoy treats na ito, sagot na sa inyo ng longest-running musical variety show sa bansa, "ASAP Natin 'To," ngayong Linggo, 12 ng tanghali sa local TV sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z, at TV5, online sa Kapamilya Online Live at iWantTFC, at worldwide via TFC. Para mapanood ito sa TV5 at A2Z, i-rescan lang ang digital TV box na ginagamit sa bahay, gaya ng TVplus.
Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.