News Releases

English | Tagalog

Knowledge Channel tuloy-tuloy ang pagtulong sa kabataan ngayong 2023

January 18, 2023 AT 12 : 55 PM

After its launch in 2019, the “Basa, Bilang” project continues to strengthen Knowledge Channel's mission in bringing transformative learning experiences by teaching Kindergarten to Grade 3 students early language literacy in Filipino and English

Mga guro at principal binigyan din ng training
 
Sinimulan ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) ang taon sa pagpapatuloy ng mga proyekto tulad ng “Basa, Bilang” kung saan namigay sila ng 60 episodes na kopya ng  ‘Ready, Set, Read!’ sa 18 elementary schools ng Department of Education - Division Office sa Santa Rosa City, Laguna. 
 
Layunin ng proyekto na ma-develop ang galing sa pagbabasa ng Filipino at Ingles at pag-unawa sa math problems ng mga mag-aaral gamit ang curriculum-based videos na maaaring mapanood sa eskwelahan.
 
“Isa lamang ang “Basa, Bilang” sa mga exciting campaigns ng Knowledge Channel ngayong taon. Katuwang ang DepEd at iba pang mga partners, patuloy kami sa paggawa ng mga paraan para maiangat ang kalidad ng ating educational system at maging gabay ng ating mga guro sa kanilang pang araw-araw,” pahayag ni KCFI president and executive director Rina Lopez.
 
Maliban sa mga video materials na tinanggap mula sa pakikipagtulungan ng Rotary Club Makati Premier District, ilang grade 1 teachers at school principals ang napili para umattend ng Knowledge Channel teaching training Learning Effectively through Enhanced and Evidenced-Based Pedagogies for Reading o LEEP-Reading, mula February 6-8, 2023 kung saan bibigyan sila ng exclusive mentoring, training at assessment para ma-improve ang kanilang teaching techniques sa eskwelahan.
 
Kaisa ang kanilang mga partners, patuloy lamang ang KCFI sa pagbibigay ng transformative learning experience sa mga guro at estudyante sa buong Pilipinas.
 
Para sa karagdagang educational materials at mga updates patungkol sa Knowledge Channel, bisitahin lamang ang knowledgechannel.org o magtungo lamang sa Facebook page at YouTube channel (youtube.com/knowledgechannelorg) nito.