News Releases

English | Tagalog

'Darna,' nakarating na sa Indonesia; 'Viral Scandal,' mapapanood na sa Africa

January 19, 2023 AT 10 : 29 AM

These welcoming feats in 2023 add to ABS-CBN's continuous pursuit of showcasing world-class Filipino content of all genres to foreign audiences

Pang-international na ang mga teleserye ng ABS-CBN

Sa pagbubukas ng taong 2023, patuloy pa rin ang ABS-CBN na maghatid ng de-kalidad na mga programa sa iba't ibang dako ng mundo, hatid ang dalawa sa hit primetime serye nitong "Mars Ravelo's Darna" sa Indonesia at "Viral Scandal" sa Africa.
 
Habang patuloy nasusubaybayan si Jane de Leon bilang Darna sa Pilipinas ay napapanood na rin ng Indonesian viewers ang Bahasa Indonesian-dubbed version ng makabagong kwento ng iconic Pinoy superhero sa free TV network na ANTV.
 
Sa pagtatapos ng pilot week nito, naging maganda ang pagtanggap ng Indonesian viewers sa kwento ni Narda at mas napabilib sa kanyang unang transpormasyon bilang Darna. 
 
Ibinahagi rin ng ANTV chief program and communications officer na si Kiki Zulkarnain ang kanilang galak na dalhin sa Indonesia ang kwento ni Darna, na layon ding magbigay inspirasyon sa Indonesian viewers. 
 
Aniya, "We have always presented programs with a narrative closely associated with the daily lives of Indonesian people. As we begin the year, we present a new genre to our viewers that tell the story of the iconic Filipino heroine Darna, which also appeals to our younger audiences as she serves as a perfect role model for them. Darna certainly makes our programming more diverse, and we hope it will not only entertain but instill values in the youth through her acts of kindness and bravery."
 
Samantala, palabas na rin ang teleseryeng pinagbidahan noon nina Charlie Dizon, Joshua Garcia, Dimples Romana, at Jake Cuenca na "Viral Scandal" sa 41 bansa sa Sub-Saharan Africa, kabilang ang Nigeria, Ghana, Seychelles, at Ivory Coast.
 
Iikot ang serye sa laban ni Rica (Charlie) na makamit ang hustisya mula sa mapamantalang eskandalo na pilit sisira sa kanyang reputasyon at ng kanyang pamilya.
 
Ilan lamang ito sa mga programa at pelikulang hatid ng ABS-CBN sa mga manonood abroad, kung saan nakapagbenta ito ng mahigit 50,000 hours ng content sa higit 50 na bansa.
 
Kabilang sa mga itinampok na de-kalibreng programa abroad ay ang "FPJ's Ang Probinsyano," "Sino ang Maysala?: Mea Culpa," "La Luna Sangre," "Since I Found You," "Ang sa Iyo ay Akin," at "The Legal Wife" sa Africa, ang 2015 remake ng "Pangako Sa 'Yo" sa Latin America, "The Blood Sisters" sa overseas territories ng France, at kamakailan tatlo sa primetime serye nitong "Marry Me, Marry You," "On the Wings of Love," at "Halik" sa Malaysia.
 
Bisitahin lamang ang https://www.abs-cbn.com/internationalsales/about para sa karagdagang detalye patungkol sa ABS-CBN International Distribution.
 
Para sa iba pang Kapamilya updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.
 

PHOTOS

DOWNLOAD ALL 5 PHOTOS FROM THIS ARTICLE