ABS-CBN was honored again for its good corporate governance alongside other top Philippine publicly-listed companies after it received an ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow from the Institute of Corporate Directors (ICD) on Friday (January 20).
Kabilang sa mga pinakamahusay na organisasyon sa bansa
Muli na namang kinilala ang ABS-CBN dahil sa maayos na pamamalakad nito sa kumpanya kasama ang iba pang mga organisasyon sa bansa matapos itong makatanggap ng ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS) Golden Arrow mula sa Institute of Corporate Directors (ICD) noong Biyernes (Enero 20).
Ito ang pangatlong pagkakataon na pinarangalan ang ABS-CBN bilang isa sa mga kumpanya sa bansa na maganda ang pangangalakad at sumusunod sa mga regulasyon ng gobyerno base sa ginawang 2021 ACGS assessment para sa 2020 operations ng mga publicly-listed company. Nakatanggap din ang ABS-CBN ng ACGS Golden Arrow para sa 2018 at 2019 operations nito.
Ginagamit ng ilang member-state ng ASEAN tulad ng Pilipinas ang ACGS na isang paraan upang masuri at mapalakas ang pamamahala at pagpapatakbo ng mga publicly-listed company. Ilan sa mga sinusuri ng ICD gamit ang ACGS ay ang mga polisiya ng isang kumpanya sa karapatan ng mga shareholder, responsibilidad ng Board, at ang pagiging bukas at tapat ng organisasyon.
Layunin ng ICD na gawing propesyunal ang pamamalakad sa mga kumpanya sa bansa kaya isinasagawa nila ang ACGS Golden Arrow Awards.
Tinanggap ni ABS-CBN chief compliance officer na si Paul Michael Villanueva ang award ng ABS-CBN sa ACGS Golden Arrow Awards na ginanap sa Sheraton Manila Hotel.
Para sa ibang updates, i-follow ang @ABSCBNPR sa Facebook, Twitter, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.